IVELYN
LUMIPAS ng mabilis ang taon. Tila ba naglaho na lang basta ang usapan o isyu tungkol sa fix marriage na aking haharapin in a near future.
Wala ni isa sa aking Ama, Ina at Abuela ang nagbukas pa ng topic about that. Hindi rin naman ako nagtanong kay Abuela. Medyo naging malayo ang loob ko sa kanila ng pansamantala, but still ginagalang at hinahangaan ko si Abuela.
At aaminin ko, sa unang mga araw ay nagdaramdam ako sa aking Ama’t Ina but later on, may kung sino at ano na bumulong sa aking tainga. Saying that my parents were not that bad, because they depend on my rights; in what life I want to have in the future.
Hindi sila ganun kasama na magulang para pati sa aking nais ay diktahan ako. Baka nga tunay na lumabis lang ang paghahangad ko ng mga bagay at atensyon mula sa kanila.
Siguro kaya sa una ay naging makitid ang aking utak ay dahil masyado pa akong bata, at maraming hinahangad kaya talagang dinamdam ko ng palihim ang mga nangyari. But thing already changed. As of now nauunawaan ko na ang lahat.
Kahit na noong una ay parang araw araw ko ng naging bangungot ang mga nangyari kahit ako’y gising. Paulit-ulit na dumadaan sa aking isip ang mga naging sagutan namin ng araw na halos pakiramdam ko ay ilako na ako sa ng aking sariling pamilya sa ibang pamilya.
Isang taon na lang at graduate na ako sa college. Tutuparin ko ang aking pangarap na maging Nurse. Bago ko pa man makilala si Leslie ay gusto ko na talaga ang propesyon na iyon. Napipigilan lang ako magsabi noon sa aking mga magulang dahil nais nila ay maging business woman ako tulad ni Mommy.
Isang mahusay na business entrepreneur si Mom. Kaya nga nabigyan ng award ang aking Ina, for being one of the topiest business women in the country, na ang business ay namamayagpag ang Gross performance all over the Asia.
“Miss Ivelyn gusto niyo po ba na mag stop over muna tayo sa isang restaurant dito sa Laguna?” Mula sa samo’t saring isipin o pagbabalik tanaw ay biglang nagsalita so Kuya Allan.
Gusto ko sanang matawa dahil lagi itong naka Miss Ivelyn. Pero kapag kasama naman namin si Nanay Mimoy ay anak ang tawag niya sa akin.
“Gutom na po ba kayo?” balik na tanong ko naman kay Kuya Allan.
Bago naman ako sumagot sa lalaki ay inayos ko muna ang aking sarili. Ang ibig kong sabihin ay naglagay ako ng ngiting lagi kong suot kahit na ang totoo ay malungkot ako. Sumilip naman sa rear view mirror si Kuya Allan.
“Alam mo ba Miss Ivelyn? Ang ngiti mong iyan ang hindi ko nais na makita. Mas gusto kasi namin ni Mimoy na magpakatotoo ka. Walang masama na maging totoo ka, hindi ibig sabihin ng pagiging totoo ay mahina. Minsan mainam iyon para naman makabawas sa totoong bigat na iyong nararamdaman at dala-dala.” Dahil sa sinabi ni Kuya Allan bahagya akong ngumiti, ngunit laking gulat ko ay humalakhak ang lalaki.
“Pasensya ka na! Mas gusto ko ang tipid mong ngiti. Halatang totoo ka. Halatang alam mo na totoo kaming mag asawa sa’yo. Gusto mo ba na sa susunod na kainan huminto na tayo?” Tila ba galak na galak na sabi ni Kuya Allan.
Mas kilala pa nga talaga nila along mag asawa kaysa sa sarili kong mga magulang.
“Sige po. Sabay tayong kumain.” Tipid na sagot ko sa lalaki na tumango naman sa akin at muling nag-focus sa pagmamaneho.
Ako naman ay muling bumaling ng tingin labas ng bintana. Naaaliw kasi talaga ako manood o magmasid sa mga lugar na aming dinadaanan.
Papunta nga pala kami ni Kuya Allan sa sa Infanta Quezon. Nais kasi ni Abuela na sumama ako sa kanya sa gagawing charity event sa isang baryo. Wala namang pasok ngayon at sa mga susunod na dalawang araw.
Dahil kay Leslie ay na inspired akong sumama na palagi kay Abuela sa mga ganitong gawain. Pakiramdam ko kasi may parte sa buhay ng aking best friend ang makikita ko ng aktwal at parang malaking susi rin iyon para mas lumalim ang aming samahan.
Makalipas ang labing limang minuto ay pumarada ng ang aming kotse na sinasakyan. Hindi isang restaurant ang aming hinintuan kaya naman napatingin ako agad kay Kuya Allan.
“Alam ko naman na miss mo na ang kalderetang kambing at papaitan kaya dito na ako huminto. Pwede naman tayong lumipat—”
“Thank you Kuya Allan. Miss ko na nga ito. Pero mas gusto ko ang luto mo pati na rin ang kay Nanay Mimoy.” Putol ko sa lalaki na agad namang natawa ng marinig ang aking sinabi.
“Bulera ka talaga. Oh ano? Attack!” Tatawa tawang sabi ni Kuya Allan hanggang sa sabay kaming magmamadaling lumabas at pumunta sa isang karinderya na ang specialty na delicacy ay karne ng kambing.
Mistulang naghahabulan pa kami ng lalaki, kaya ng makapasok kami sa kainan ay hingal kami na tatawa tawa sa isa't isa. Hindi naman nagtagal ay may lumapit ng babae na tingin ko ay siyang kukuha ng aming order.
Dalawang kaldereta, isang papaitan at apat na kanin ang in-order ni Kuya Allan. Bigla naman akong nahiya, dahil ang apat na kanin na kanyang in-order; halos tatlo ang aking makukunsumo.
Mabilis lang na dumating ang aming order, at ng tanguan ako ni Kuya Allan ay agad naman akong umusal ng panalangin, ng matapos ay tsaka kami sabay na kumain. Nagkwentuhan pa nga kami kaya naging maingay ang aming tanghalian.
“Lord kahit ganitong bonding lang sana sa aking sariling Ama!” Dugtong o habol ko pa na panalangin sa aking isip.
Nang matapos na kaming kumain ay hagya pa kaming nagpahinga, bago bumiyahe. Siguro ganun talaga kapag busog ay inaantok o baka ako lang dahil si Kuya Allan naman ay buhay na buhay.
“Wag mo ng labanan, itulog mo muna ‘yan.” Biglang sabi ng lalaki, kaya naman napanguso ako habang tumatango.
Dahan-dahan na ko na isinandal ang aking ulo, ngunit kakasandal palang ay agad ng bumigat ang aking pakiramdam kaya naman hinayaan ko na lang hanggang sa tuluyan ng mawala ang aking ulirat.
*********************
“Señior susunod pa po ba tayo?” Untag na tanong ng isanv lalaki na siyang driver/body guards/ assistant ng tinawag na Señior.
Mula sa Maynila ay nakabuntot na ang mga ito sa isang SUV na pula. Nais ng tinawag niya na Señior na lubos na makilala o mabistrahan muli ang babaeng kanyang pilit na inilalaban na maging kabahagi ng kanyang kaisa isang apo.
Hindi man halata sa mga tauhang kasama ng lalaki, pero namamangha ang mga ito dahil makailang ulit ngumiti at humalakhak ang kanilang amo ngayon araw lang.
“Sige sumunod kayo. Ipapatawag ko na lang sa aking tahanan ang pinuno ng pamilyang magiging karugtong ng aming pamilya. Masyado akong naaaliw talaga sa dalaga. Mukhang malayong malayo siya sa babaeng gugustuhin ng aking apo. And that is her edge among other women, that I like the most. Sa kanya ko nakikita ang babaeng mananatili kahit na sobrang hirap at gipit na gipit na ang sitwasyon. Ganung babae ang nararapat sa aking apo.” Lalo lang nagulat ang mga tauhan ng lalaki.
Bibihira kasi itong pumuri ng tao. Sa mga oras na ito tiyak na tiyak ng mga tauhan na kasama ng Señior na ang dalagang kanilang sinusundan ay hindi masasaling nino man. Kung may magtatangka tiyak dadanak ang dugo sa lupa.
Nagpatuloy ang kanilang biyahe. Pero ng tupat na sa Lucban ay muling huminto ang sasakyan na sinusundan nila. Bumaba ang dalaga mula sa SUV na pula at tumuloy sa isang simbahan na isa sa sagradong tourist attractions ng lugar.
Bumaba rin ang Señior kaya naman naka-alerto ang lahat. Ang kakaunti na tao dahil sa alangang araw ay biglang dumami.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ng Señior ay bigla itong natigilan. Napatitig ito sa krus kung saan nakapako ang imahe ni Kristo.
“Matagal na tayong hindi nagkikita sa sagrado mong tahanan. Marami akong pinakiusap at iniluhod sa’yo noon, na ni isa wala kang pinakainggan. Lahat ay tinanggihan mo. Ito’y hindi isang hamon o banta. Ngunit pinapangako ko na ang buhay ng dalagang iyon ay pangangalagaan, iingatan at ilalaban ko maging buhay ko man ang kapalit.” Mahinang mahina na usal ng Señior na tanging ang dalawang assistant lang nito ang nakarinig.
Nauunawaan naman ng mga ito ang mga sinasabi ng lalaki. Bilang sila ang second generation ng mga assistant ng Señior ay talastas nila ang tunay na mga nangyari sa buhay ng Ginoo. Kung bakit? Simple lang naman dahil tanging sa angkan lang nila may tiwala at nakuha ng wagas na loyalty ang matanda.
Tumagal ang dalagang sinusundan nila sa simbahan, pero masayang masaya naman na sumunod lang mg tingin ang Señior.
Nang muling bumiyahe ang mga ito, ay na tahimik bigla ang lalaki. Katahimikna alam ng kanyang mga assistant na may plano ng niluluto ang kanilang amo.
“Make it early as we can!” Bulong ng Señior na agad nakuha ng kanyang dalawang tauhan kaya kumilos na ang mga ito at isa isang may inasikaso sa kanilang mga cellphone.