Chapter 25: Confession “EFRAIN, sinabihan na kita na huwag mong lalapitan si Eyse, ’di ba?” malamig na saad niya sa pinsan niya. Ang higpit ng kamay niya sa pulso ko at talagang nasa likuran niya ako na tila ayaw niyang mapalapit pa sa akin si Sir Efrain. “Pinsan, hey. Wala naman akong ginagawa kay Eyse, ’no? Nagkukuwentuhan lang kami rito. Ano ka ba?” depensa ni Sir Efrain at itinaas pa niya ang magkabilang kamay niya. “Efrain.” “Promise, nag-usap lang talaga kami,” sabi pa nito. “At ano naman ang pinag-usapan ninyo?” seryosong tanong ni Sir Elton. “Ikaw at ang babaeng gusto mo. Alam ko naman kung bakit nagiging torpe ka kasi...ayaw mo lang na maging distraction ka para sa kanya pero sa tingin ko naman ay mutual na ang feelings ninyo, eh,” naiiling na sabi niya. Ano kaya ang pinagsa

