Chapter 26: Ms. Lesse “GUSTO kita, Eyse. Sana...walang magbabago sa pakikitungo mo sa akin. Sa ngayon ay wala akong hinihiling na... Alam mo na. Mas importante ang career mo, Eyse.” Parang ayaw magproseso sa utak ko ang mga narinig kong sinabi niya at sa nalaman kong gusto niya ako. Kaya noong matutulog na ako ay natutulala ako at paulit-ulit kong naririnig ang boses niya na sinasabing... “Gusto kita, Eyse...” Napahawak ako sa pisngi ko at sobrang init nito. May kung ano rin na paruparo sa loob ng aking tiyan. Yay! Ganito ba ang pakiramdam na kinikilig?! Geez, Eysella Romel! Nababaliw ka na nga talaga! Halos hindi ako natulog nang gabing iyon at pagulong-gulong lamang ako sa kama ko. Kaya kinabukasan ay puyat na puyat ako. Pero worth it naman iyon, eh. Kasi... kasi... Ah, basta! Huwa

