Chapter 3
Sa wakas ilang oras na lang....we will be husband and wife....
Yes finally nagtagumpay kang ipapatay si Gyung Hee....You didn't love that b***h from the start....
Ssshhh.....your mouth...don't talk about it here baka may makarinig sat'in....lumingon ito sa pinto.
Gyung Hee's heart beat became fast.....nanginig ang mga tuhod niya habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
She was shock when Kyle grab her hand.
Kailangan mong mag-ingat.....he almost caught you at the door!
P-Pasensiya na.....
Ayusin mo ang sarili mo....your big show must begin later....
O-okay.....punta lang ako sa restroom....
Tumango ito...naabutan pa niya ang ilang babae sa loob na mukhang kasali sa entourage ng ikakasal.
Sa wakas Evelyn finally got her luck at sa napakaguwapo at napakayamang lalaki pa!
Oo nga nakakainggit....Pero hindi naman siya mapupunta ngayon sa kinatatayuan niya ngayon kung hindi namatay ang dating asawa ni Howard na si Gyung Hee....
Yes tama ka....they used to be a perfect couple....good thing Howard finally moved on from his late wife's death....
Nanginginig ang mga kamay niya habang naghuhugas sa lababo.
Nakompirma niya ang sinabi noon ni Nanay Flor....ito raw ang sabi ng taong nagligtas sa kanya.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang taong iyon.
Trinidad POV
Ikakasal na ang manugang naming si Howard sa ibang babae....humingi ito ng permiso mula sa amin ni Yaseer.
Ibinigay namin ang basbas namin tutal ay isang taon ng patay ang aming si Gyung Hee...Pero kaming mag-asawa ay hindi pa rin nakakamove on sa pagkawala ng aming mga anak....una ang tunay naming anak at ngayon ay si Gyung Hee namin.Kung minsan iniisip kong siguro ay parusa ito sa amin ng Diyos dahil hindi namin naalagaan ang aming mga anak
Malapit ang loob namin sa manugang ko dahil parang anak na turing namin sa kanya.Kung minsan nga ay naiisip kong parusa ito sa amin ng Diyos dahil hindi namin nagagampanan ng mabuti ang aming pagiging magulang sa kanila.
Si Howard....Kung minsan naiisip din naming siya ang nawawalang anak namin ni Yaseer.
Pareho sila ng kapanganakan ng anak naming si Khalil...Marami din silang pagkakatulad nito.Isang bagay na lang ang kulang at makukumpirma na ang hinala naming mag-asawa.
Sana ay siya na nga ang matagal na naming hinahanap.
Pagkatapos ng kanyang kasal ay kukumpirmahin namin ito...umaasa akong matatapos na ang pagdurusa naming pagdurusa.....
Nagbalik siya sa huwisyo ng muling magsalita si Kyle....this is the day that your husband will going to regret everything he did to you....
You need to be strong.....
Inayos niya ang sarili.
Tama ka....Hindi ako dapat magpaapekto....sila ang dapat matakot sa akin.....Pinahid niya ang luha sa mga mata.
The bridal car arrived.Bumaba mula rito ang babaeng tampalasan....
Naghahanda na ang entourage.
Ganoon din siya handa na siya para sa grand entrance niya.
Ito ang unang pares na ikakasal ng bagong kura ng San Joaquin.
Kung ganon totoo palang pinalitan na si Father Castro?balita ko batang-bata pa ang pumalit sa kanya....oo sa isang taong pananatili niya dito ngayon ko lang siya makikita ... narinig niyang usapan ng mga nagdaraan na patungo sa loob ng simbahan.
Iba na pala ang pari ngayon ng simbahan ito sa loob-loob niya.
Nagsimula silang magmartsa patungo sa loob ng simbahan.Abot-tenga ang ngiti ng bride habang naglalakad ito patungo sa harap ng altar.
Pumasok na tayo..wika ni Kyle.
Tumango siya at inayos ang sumbrerong suot.
Puno ang simbahan at may mga media na magcocover sa kasal.
Tamang-tama sa loob-loob niya.
Ang tampalasang lalaki walang pagsidlan ang tuwa sa mga mata habang hinihintay ang babaeng kasabwat nito.
Agad kinuha ni Howard ang kamay ni Evelyn at humarap sa altar.Siya namang paglabas ng paring magkakasal sa mga ito.
Ohhhh.....ano yan bakit mas guwapo pa si Father kesa sa lalaking ikakasal?bulong-bulungan ng mga ito.
Napakabata at totoo nga ang tsismis sobrang hot ng pari dito!dinig niyang usapan ng mga nasa loob.
Nasaan ang hustisya?sayang siya.....
Oo nga crush na crush ko pa naman siya....
Sinundan ng tingin niya ang tinutukoy ng mga ito.Maging siya ay napanganga ng masilayan ang nakakabighaning kaguwapuhan ng pari.
Hot and handsome si Howard kaya nga maraming babaeng nagkakandarapa sa asawa subalit iba ang dating ng paring ito.
Once you set your eyes on him it's hard to take off your sight.
Mas bagay pa nga nitong maging artista sa halip na maging pari.
He had the pair of deep chocolate brown eyes with pointed nose and a natural red kissable lips na kung matitikman ng kung sinong babae ay tiyak na mahihibang.
Nakasuot ito ng salamin na hindi nakabawas sa s*x appeal nito.
Matangkad din ang lalaki...Sa height ni Howard na six feet ay nagmukhang maliit ang asawa kumpara dito.
Ang puso niya bakit ganito ....?bakit hindi normal?
Gyung Hee POV
Sandaling nakalimot ako sa aking sarili ng masilayan ang alagad ng Diyos na nakatayo sa harapan ng mga ikakasal.
Ano ba itong nararamdaman ko?may kung anong damdamin na hindi ko maipaliwanag...
Hindi ko alam kung sadyang tumingin siya sa gawi ko o nagkataon lang ang lahat.Malalim kung tumitig ang kanyang malamig na mga mata.Tumatagos sa kaibuturan ko.
Umiwas ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.
Pag-angat ko ng mukha ay narinig ko ang malamig niyang boses na parang musika sa aking pandinig....
Mga kapatid ....narito tayo upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Howard at Evelyn....Bago ko simulan ang seremonya gusto kong malaman kung meron bang tumututol o tutol sa kasalang ito...kung meron man ay lumitaw na at magsalita....
Ito na ang hudyat na hinihintay niya.
Hindi siya makakapayag na matuloy ang kasal ng mga ito at maging masaya kung ang kapalit nito ay matinding pagdurusa naman para sa kanya.
Isasama niya ang mga ito sa dinaranas niya.
Ito na ang oras Gyung Hee....bulong ni Kyle.Nasa likod Mo lang ako....if ever something happened....don't be scared....Hindi lang ako ang kasama mo rito.....
Tumango siya huminga ng malalim.
Kung walang tututol ay sisimulan ko na ang.....
Ako.......itinaas niya ang kamay at sumigaw sa gitna ng mga tao sa loob.
Narinig niya ang bulungan ng mga bisitang naroon.Nagkulay puti naman ang balat ng mga ikakasal sa gulat.
Tumutok ang mga kislap ng camera ng mga mediang naroon.
Sino siya?tanong ng mga tao sa paligid.
Maari mo bang sabihin ang iyong dahilan kung bakit tutol ka sa kasalang ito?tanong ng pari.
Hindi maaaring ikasal ang mga yan dahil.....dahil ako ang tunay na asawa ng lalaking yan!Tuluyan niyang hinubad ang suot na mask at sumbrero.
Tuluyang nawalan ng kulay ang mukha ng dalawa pati ang mga bisita at hindi makapaniwala ng makilala siya ng mga ito,!
Buhay ako....buhay na buhay at totoo ang mga nakikita niyo at nagbabalik ako para kunin ang lahat na dapat ay sa akin!