Chapter 2
Yaseer Benhoweer POV
It's been twenty years since we lost him.
Napakalaki ng pagsisisi ko at hindi ko nagawang alagaan ang anak namin ni Trinidad.
Ang dahilan ng lahat ng pagsisikap naming dalawa.
Akala namin ay kanyang ibigay ng kayamanan ang lahat ng pangangailangan niya.
Pero nagkamali kami...napabayaan namin siya.
Ang masakit nawala siya....kinuha ng babaeng nabaliw sa pagmamahal sa akin at hanggang ngayon walang magawa ang kayamanan ko para mahanap siya.
Ang babaeng naging dahilan ng kanyang pagkawala ay nakakulong pa rin hanggang ngayon and still mocking us.
Kaya naman ng makita namin ang aming si Gyung Hee sa bahay-ampunan ay nabuhayan kami ng loob dahil binigyan kami ng panibagong chance para maging mabuting magulang sa pangalawang pagkakataon.
Kasing edad siya ng aming si Khalil.Kaya naman madali namin siyang nakagaanan ng loob.
Ibinigay namin lahat ng karangyaan at pag-aalaga sa kanya na hindi namin nagawa sa tunay naming anak.
Honey....nakatulala ka nanaman diyan...mukhang malalim nanaman ang iniisip mo....
Nilingon ko ang aking asawa na papalapit at may dalang meryenda.
Wala naman honey....iniisip ko lang kung kumusta na siya....mabuti ba ang kalagayan niya?nakakakain ba siya ng maayos?sagot ko sa kanya.
Hindi naitago sa akin ang pagpahid niya ng mga luha sa mata.
Honey I'm sorry....I didn't meant to hurt you....hingi ko ng paumanhin.
Umiling si Trinidad at pilit ngumiti.
Kung talagang nakatakda na magkikita tayo gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana....hanggang ngayon pareho pa rin tayong umaasa na babalik pa siya sa atin....sagot ng aking asawa.
Bumuntong-hininga ako.Sana nga mangyari ang natitira naming pag-asa na babalik siya sa amin na ligtas at buhay.
Ilang buwan siyang nagluksa sa mapait na sinapit niya.
Ang asawa niya ay hinayaan niyang magpakasasa sa mga kayamanan niya kasama ang kabit nito.
May agreement sila tungkol sa joint account nilang dalawa.
Hindi niya akalaing magagawa ito ng taong dapat sana ay magiging karamay niya sa lahat ng oras.
Dumaan ang halos isang taon.Patuloy ang lapastangang asawa sa panluluko nito sa mga magulang.
Matanda na ang mga ito at ang daddy niya gusto ng magretiro sa pamamalakad sa kompanya.
Kung di siya nagkakamali ang asawa niya ang balak gawing tagapamahala ng ama sa napakalaking korporasyon nila.
Sa una palang alam na niyang malamig ang pakikitungo sa kanya ng lalaki subalit ang ipapatay siya ay hindi niya inaasahang gagawin nito.
Natuto siyang mamuhay sa bundok kasama si nanay Flor.
Nagtataka nga siya dahil hindi sila nauubusan ng pagkain at mga kailangan.
Linggo-linggo ay may nagpupunta sa kanila at nagbibigay ng pagkain sa matanda.
Mula daw ito sa matalik nitong kaibigan.
Dahil sa impluwensiya ng mga ito ay mas lalong nakilala ang pangalan nito sa business world.
Talaga bang hindi ka na mapipigilan Gyung Hee?tanong ni nanay Flor.
Hindi na po Nanay....pag nakabalik ako sa amin babalikan kita at kukunin dito....
Naku bata ka .....huwag na at ako'y matanda na ...
Hindi po ako papayag.....malaki ang utang na loob ko sa inyo at sa taong nagligtas sa'kin.
Basta mag-iingat ka hija.....
Siyempre naman po...
Kyle ikaw na babalang maghatid sa kanya....huwag mong siyang pababayaan....
Huwag po kayong mag-alala Manang ako na pong bahala sa kanya.
Pagkarating sa bayan ay may naghihintay ng sasakyan para sa kanila.
Tumagal ng walong oras ang biyahe pabalik sa kanila.
Kabado man ay nanatili siyang kalmado.
Binuksan ng driver ang radyo at nagulat siya sa laman ng balita.
Ang bilyonaryong si Howard Visser ikakasal Sa childhood friend nitong si Evelyn Mijares.
Sa simbahan pa kung saan sila nito ikinasal.
After his mourning with his wife Gyung Hee the president of Visser international fell in love with his best friend Evelyn.
Ayon pa sa ulat nahulog ang loob ni Howard sa babae dahil ito ang naging karamay nito noong panahong nag-luluksa ito sa pagkawala niya.
Ang babaing yon.....?!bakit sa dinami-dami ng babae ay ito pa? akala niya ay close lang at magkaibigan ang dalawa.Hindi niya binigyan ng pansin ang kakaibang tingin ng mga ito sa isa't-isa noon.
Pikit-mata niyang tinanggap ang pambabae ng asawa noon dahil sobrang mahal niya ito.Nasasaktan siya dahil siya ang asawa subalit hindi siya magawang bigyan ng pansin at ni hindi siya ginalaw kahit na minsan.
Lahat ng iyon tiniis niya.Pero ngayon wala na siyang mailuluha pa....Manhid na puso niya sa sakit.
Manong pakibilisan po ....
Nagsuot siya ng jacket at itim na cap.Nakamask din siya dahil ayaw niyang nakakuha agad ng atensiyon mula sa mga tao.Isang taon na siyang patay para sa karamihan.
Dumaan sila sa hotel kung saan tumuloy ang mga ito.
Nagpanggap silang mga staff sa pag-aasikaso ng mga cameras at effects.
Howard's POV
Napangisi ako ng makita si Evelyn na nakatayo mula sa salamin.Sumenyas ako sa stylish niya na iwan muna kami ng mga ito.
Anong ginagawa mo dito Mr.Visser?!don't you know bawal mong makita ang bride bago ang kasal?!shock na sabi ng baklang make-up artist sa'kin.
We are in the modern world wala ng maniniwala sa mga ganyang pamahiin....
The make-up artist rolled his eyes at tinawag ang mga kasama nito palabas.
Evelyn look at me and smiled.
At last I will marry the woman Iove.
Lumapit ako sa kanya.
At last my dream wedding will happen and not to the wedding against my will.
I admit I married Gyung Hee just for the expanding of my business using the connections and money of my in laws.
Ambitious that's me....from the start I knew she had a crush on me....and I have a debt to pay to her father that's why i agreed to his proposals.
Wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa isang Yaseer Benhoweer.
Lahat ng klase ng negosyo ay pinasok ko even in the underground business just because of money.
Lumaki akong salat sa karangyaan at nakaranas ng pang-aapi dahil sa kahirapan namin sa buhay.
Kaya ipinangako kong gagawin ko ang lahat para yumaman at maging makapangyarihan.
Sa mundong ito kung mayaman ka at makapangyarihan tinitingala ka at kinaiinggitan ng lahat....ito ang kapalaran ng mundong ginagalawan ko.
Naalala ko kung gaano kahirap ang naging kalagayan namin noon...naranasan kong magnakaw para may malaman sa sikmura habang ang batang kinamumuhian ko ay sagana Sa lahat ng masasarap na pagkain at mga mamahaling bagay na kainlanman ay hindi ako nagkaroon.
Sila ang dahilan kung bakit kinamuhian ako ng nanay ko.
Well sad to say ang batang yon maaaring patay na o nakakaranas ng matinding paghihirap ngayon sa kamay ng mga mapang-abusong taong nakakuha rito.
At ngayon ako na ang nakakaranas ng mga bagay na dati ay siya ang nag-mamay-ari....
Lahat na nakahanda na at naghihintay na ang mga bisita sa simbahan.
Ang walang kwentang lalaki nasa loob na ng simbahan.Tanging ang bride na lang hinihintay para magsimula ang seremonya ng kasal.
Nanginig ang katawan niya at biglang nahilo.
Mabuti at maagap siyang nasalo ni Kyle.
Ayos ka lang Ms.G?tanong nito.
A-ayos lang ako....salamat.....humawak siya sa braso nito upang kumuha ng lakas.
Kailangan niyang maging matatag sa pagharap sa mamamatay-taong yon.