MAY paparating! Kailangan kong magtago! Nagpalinga-linga ako hanggang sa may nakita akong kabinet. Dali-dali akong pumasok sa loob noon para magtago. May mga mumunting butas ang pintuan ng kabinet kaya kitang-kita ko ang mga nangyayari sa kwarto ni Thess.
Bakit nakatali si Thess? Iyong lalaki, tama! Nasa loob nga talaga siya ng bahay. Pero, sino ba ang lalaking ito at anong kailangan niya?
Isang hinala ang nabuo sa isip ko. Maaaring siya iyong nakatakas na serial killer! Nanganganib kami kung gano’n!
Hanggang sa isang matangkad na lalaki ang pumasok sa kwarto. May hinihila itong katawan ng tao!
Hindi ko makita ang mukha niya dahil tila may bakal na helmet siya na nakasuot sa ulo at natatakpan nito ang buong mukha nito.
Sinundan ko siya ng tingin at muntik na akong mapasigaw ng makita ko kung sino ang hinihila ng lalaki. Si Calvin! May dugo siya sa ulo at walang malay. Kumuha iyong lalaki ng bangko at itinali nito si Calvin doon. Nilagyan din ng busal sa bunganga si Calvin. Pagkatapos noon ay may kinuha ito sa bulsa nito. Isang lighter at sinindihan niya ito!
Diyos ko! Anong gagawin niya kina Thess at Calvin?
Idinaiti ng lalaki ang apoy sa balat nina Thess at Calvin na naging sanhi upang magising ang dalawa. Nagpumilit na sumigaw silang dalawa pero hindi nila magawa dahil sa mga busal nila.
Nanatili akong pinanood ang susunod na gagawin niya. Gustuhin ko man na tulungan ang dalawa ay alam kong wala akong kalaban-laban sa lalaking iyon. Naglabas ang lalaki ng mga mahahaba at malalaking karayom. Ipinatong ang mga iyon sa side table at kumuha ng ilan. Lumapit ang lalaki kay Thess.
Umiiyak na si Thess at kita ko ang takot niya sa kanyang mukha.
Biglang hinawakan nung lalaki ang isang kamay ni Thess at talagang nagimbal ako sa sunod na ginawa nung lalaki kay Thess. Dahan-dahang itinusok ng lalaki iyong mga malalaking karayom sa kuko ni Thess!
Nagpapalag si Thess pero wala pa rin siyang nagawa. Bawat pagtusok ng karayom sa kuko ay naririnig ko ang impit na pagtangis ni Thess.
Napaka-walang hiya niya! Gusto kong tulungan si Thess pero paano? Natatakot ako...
“Masakit, `di ba?” anang lalaki.
Tanging mga ungol lang ang naisagot ng kawawang Thess.
Lumapit naman ang lalaki kay Calvin. May kinuha ito sa gilid nito. Isang plais. Lumuhod ito sa harapan ni Calvin at sa pamamagitan ng plais ay tinuklap nito ang kuko sa hinlalaki ng paa ni Calvin.
Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko dahil muntik na akong mapasigaw sa nakikita ko. Tinanggalan lahat ng lalaki ng kuko sa paa si Calvin!
Labis ang awa na nararamdaman ko habang kitang-kita ko ang ginagawang pag-torture ng lalaki kina Calvin at Thess. Nakakapanghina ang hirap na nakikita ko sa mukha nila.
“Saklolo!!! Tulungan niyo kami!!!” biglang sigaw ni Calvin. Natanggal niya pala iyong busal nito sa bibig!
Biglang may hinugot iyong lalaki sa ilalim ng kama. Isang maso! Napapikit ako nang makita kong hahampasin nito si Calvin ng maso!
Patuloy sa pagsigaw si Calvin. “Tulungan niyo--”
Hindi ko alam ang nangyayari. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na pagtama ng maso sa katawan ni Calvin. Ilang sandali pa ay tumigil na ang lalaki. Pagmulat ko ng mata ko ay ganoon na lang ang hilakbot ko nang muli ay paulit-ulit na pinaghahampas ng lalaki gamit ang maso sa ulo si Calvin! Dinig ko ang pagkabasag ng bungo! Pati na rin ang mala-demonyong tawa ng lalaking iyon habang walang awa nitong dinudurog ang ulo ni Calvin!
Tahimik akong umiiyak. Tinakpan ko ang mga tenga ko. Nakakapangilabot ang tunog ng paghampas ng maso sa ulo ni Calvin! Napaka-hayop niya at napaka-brutal!
Tumigil na ito sa wakas. Nasisiguro kong wala ng buhay si Calvin. Nagkalat ang dugo at durog na utak sa sahig. Tila babaliktad na ang sikmura ko pero kailangan kong pigilan kundi mahuhuli niya ako sa pinagtataguan ko. Bumaling naman iyong lalaki kay Thess. Nadudurog ang puso ko sa hitsura niya. Panay ang agos ng luha sa mata ni Thess. Alam kong gusto niyang humingi ng tulong. Gusto niyang magmakaawa, pero hindi nito magawa.
May hawak naman na gunting iyong lalaki at umupo ito sa gilid ng kama kung saan nakatali si Thess. Ginupit ng lalaki ang damit ni Thess at hinubaran ito ng pantaas. Maya maya ay marahas hiniklas ng lalaki ang bra ni Thess. Dinama ng lalaki ang dibdib ni Thess at bigla nitong pinisil ng mariin ang n*****s ni Thess at walang awang ginupit iyon gamit ang gunting!
Impit na napasigaw ako sa aking nakita.
Lalong namilipit si Thess sa sakit at hapdi. Ang kabilang dibdib naman ang binalingan ng lalaki at walang awa rin nitong ginupit ang n*****s nito doon.
Tinanggal ng lalaki ang busal sa bibig ni Thess.
“Patayin mo na ako… Ayoko na ...Ayoko na… Hindi ko na kaya… Patayin mo na ako!” pagmamakaawa ni Thess habang humahagulhol.
Nanlaki ang mga mata ko sa kasunod na ginawa ng lalaki. Walang tigil nitong pinagsasaksak ng gunting sa mukha si Thess. Tumalsik ang mga dugo sa kung saan-saan. Sa dingding, sa kobre kama at sa mismong katawan ng lalaki. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at naisip ko na oras na makita ako ng lalaking iyon ay sasapitin ko din ang sinapit nina Thess at Calvin.
Hindi! Hindi ako makakapayag na ganoon ako kabrutal mamamatay! Kailangang kumilos na ako!
Napamulat ako ng mata nang bigla kong marinig ang malakas na pag-iyak ni Baby Toby. Pagsilip ko sa pinagtataguan ko ay nakita kong papalabas na ng kwarto iyong lalaki. At alam ko kung saan siya pupunta… Sa kinaroroonan nina Baby Toby!