CHAPTER 06

1694 Words
SINAMANTALA ko ang pagkakataon nang makita kong papalabas na ng kwartong iyon ang lalaki. Lumabas na ako ng pinagtataguan ko at hinagilap ko iyong lamp shade. Patakbo akong lumapit sa lalaki at buong pwersa kong inihampas sa likod nito ang hawak kong lamp shade. Bumagsak sa sahig iyong lalaki. Nawalan yata siya ng malay sa lakas ng pag hampas ko sa kanya. Pero pinakiramdaman ko pa rin siya. Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin siya gumagalaw ay napag-desisyunan kong pumunta kina Christine. Habang paakyat ako sa hagdan ay tumigil ako. Tinignan ko iyong kinaroroonan no’ng lalaki at doon ko naisip na maaaring ilang sandali pa ay magkakaroon na ito ng malay ulit. Kailangang patayin ko na siya kundi kami ang papatayin niya! Pero, papaano ko siya papatayin? Tama! Baril! Alam kong merong baril sa bahay na ito dahil isang pulis ang asawa ni Mrs. Sanchez! Kaya imbes na sa kwarto ni Christine ako pumunta ay sa master’s bedroom ako nagtungo. Inumpisahan ko na ang paghahanap sa baril. Natataranta kong hinalungkat lahat ng pwedeng pagtaguan ng baril. At tila baliw na napangiti ako nang pag-angat ko ng kutson ay may nakita akong baril. Sinunggaban ko kaagad iyon at chineck kung may bala. “Puno ng bala! Patay ka ngayong hayop ka!” bulalas ko at nagmamadali kong binalikan iyong kinaroroonan nung lalaki. Nandoon pa rin siya. Nakadapa. Kinasa ko iyong baril. Medyo nahirapan pa akong gawin iyon dahil ngayon lang ako nakahawak ng totoong baril. Nanginginig pa ang aking mga kamay ng itutok ko iyon sa kanya. Pinaputok ko ang baril at tinamaan ito sa likod. Nanghihina akong napaupo sa sahig habang nakatingin sa lalaki. “Diyos ko! Salamat at tapos na ang lahat… Ligtas na kami sa kamay ng mamamatay tao na ito!” turan ko pa. Tinungo ko agad ang telepono sa may sala at tumawag ako sa pulis. Ni-report ko ang nangyari sa bahay na ito at agad naman daw silang pupunta dito. Pabalik na ako sa kinaroronan nung lalaki nang makita kong wala na siya roon. Nasaan na iyong katawan no’ng lalaki?! Bakit wala na siya sa kinaroroonan niya? Ibig bang sabihin buhay pa siya sa kabila ng ginawa kong pagbaril sa kanya? Natatarantang tanong ko sa aking sarili Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril. Nanganganib pa rin kami dahil buhay pa rin ang lalaking iyon! Pagtingin ko sa may pintuan ay doon ko nakita iyong lalaki. Nakatayo siya doon at tila nakatingin lang sa akin. Labis-labis ang takot na bumalot sa buong katawan ko. Itinutok ko sa kanya ang baril. “P-paano ka pa nabuhay?! `Wag kang lalapit!” ani ko nang makita kong unti-unti siyang humakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Hindi siya huminto sa paglalakad. “`Wag ka sabing lalapit! Babarilin kita!” hiyaw ko sabay paputok ko ng baril. Tinamaan siya sa ulo pero hindi siya tinablan dahil sa bakal na helmet niya. Magkakasunod na pinutukan ko ang banda niyang dibdib at nagulat ako nang `di man lang niya iyon ininda! Patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin! Doon ko napagtanto na malamang ay nakasuot siya ng bullet proof vest! Ibig sabihin walang silbi ang baril sa kanya! Napaatras ako nang makita kong pabilis ng pabilis ang mga hakbang niya. Dali-dali kong tinungo ang hagdan paakyat. Sa pagmamadali kong makaakyat ay dumulas ang paa ko na naging sanhi ng pagkakatumba ko. Nakaramdam ako ng kirot sa kaliwang paa ko. Napasigaw ako nang hawakan ako ng lalaki sa paa at biglang hilahin pababa. Mahigpit akong kumapit sa barandilya ng hagdan. Pinagsisipa ko ang dalawa kong paa at nang makawala ang isa kong paa ay ubod lakas na sinipa ko siya sa kanyang ulo. Natumba siya at nagpagulong-gulong pababa ng hagdan. Tumalsik iyong lalaki sa lakas ng pwersa ng sipa ko. Sinamantala ko agad ang pagkakataon. Mabilis akong umakyat at natatarantang kinatok ang pintuan ng kwarto ni Christine. “Christine, buksan mo `to!” Halos gibain ko na iyong pinto sa sobrang takot. Lalo akong nagpanic ngan makita kong nakabangon na iyong lalaki at paakyat na siya ng hagdan. “Christine!!! Buksan mo--” Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang umiiyak na si Christine. Tinabig ko siya at pumasok na ako. Ni-lock ko agad ang pintuan. Hinila ko iyong sofa at iniharang sa pintuan. “A-ate Erika, ano ba talagang nangyayari? Bakit may mga putok ng baril?” umiiyak na tanong niya. Napasabunot ako sa buhok ko. Tila ang gulo-gulo ng utak ko ng mga sandaling iyon. “'Iyong serial killer na nakatakas sa kulungan! `Andito siya!” “Ano?” gulantang na turan ni Christine. “Oo! At pinatay na niya sina Calvin at Thess!” Natigilan si Christine. “Hindi… H-hindi pa patay si kuya at yaya… Hindi totoo `yang sinasabi mo!!!” bigla siyang humaguhlhol ng iyak. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Christine. “Patay na sila! At napaka-brutal ng ginawa sa kanila ng lalaking iyon!” Tumalikod ako at nagpalakad-lakad. “May karayom… Maraming dugo! Nakakasuka!” Naguguluhang turan ko. Natigilan kami ni Christine nang makita namin na umiikot iyong door knob ng pintuan. “Sinusubukan niyang pumasok…” bulong ko. Maya-maya ay tila nais ng gibain iyong pinto. Tila binabangga-bangga iyon upang mabuksan! Nagtungo sa isang sulok si Christine at tinakpan niya ang dalawang tenga niya habang panay ang tili nito. Si Baby Toby naman ay panay ang iyak sa ibabaw ng kama. Napapikit ako at isa-isan nag-flashback sa utak ko ang mga ginawa nung lalaki kina Calvin at Thess. Pagmulat ko ay tila hinihingal ako. Hindi… Hindi ako papayag na sa ganoong kabrutal na paraan ako mamatay! Tiningnan ko kung ilan na lang ang bala ng baril. Tatlo na lang pala. Natigilan ako. Tatlo... Napatingin ako kay Christine at kay Baby Toby at isang ideya ang aking naisip. Patuloy pa rin ang paggiba sa pinto. Lumapit ako kay Baby Toby at itinutok sa ulo niya iyong baril. Kinalbit ko ang gatilyo at sumabog sa kama ang dugo at utak ng kawawang sanggol. “Baby Toby!!!” palahaw ni Christine at galit na galit na bumaling siya sa akin. “Bakit mo siya pinatay?!” Sinugod ako ni Christine pero malakas na tinulak ko siya. “Ito na lang ang naiisip kong paraan upang `di tayo matulad sa sinapit nina Calvin! Ito na lang! Oras na makapasok dito ang hayop na iyon mamamatay din tayo! Kung nakita mo lang kung paano niya pinahirapan sina Calvin mas gugustuhin mo pang mamatay!” “Baliw ka na, Ate Erika! Pinatay mo si Baby Toby!” Itinutok ko kay Christine iyong baril. “Patawarin mo ako. Hindi ko gustong gawin ito pero ayaw kong mahirapan ka! Tayo! Naiintindihan mo ba?!” “A-ate… `Wag, maawa ka… Please, ate, `wag mo akong patayin…” Umiiyak na pakiusap niya. “Patawad, Christine!” pagkasabi ko noon ay pinutok ko na iyong baril. Sapol siya sa kanyang noo. Dilat ang mga mata na bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan niya. Nakita kong malapit nang mabuksan yung pintuan. Malapit nang makapasok ang hayop na iyon! Umiiyak na napaupo ako sa isang sulok. Nanginginig ang mga kamay na itinutok ko sa ulo ko iyong baril. Ang buong akala ko walang ganitong mangyayari… Ang akala ko basta magbabantay lang ako ng bata. Hindi ko akalain na isang gabi lang pala ang babago sa lahat. Ipuputok ko na sana iyong baril nang biglang bumukas iyong pinto at sunod-sunod na pumasok ang napakaraming pulis. Naguguluhan na napatingin ako sa kanila. Mga pulis? Lumapit sa akin iyong isang pulis. “Okay na ang lahat! Ligtas na kayo! Nahuli na naman iyong serial killer!” L-ligtas? N-na k-ami? Napatingin ako sa wala nang buhay na sina Baby Toby at Christine. Diyos ko! Ano itong nagawa ko?! NAPABALIKWAS ako bigla ng bangon. Nahihintakutan akong nagpalinga-linga at ganoon na lang ang gulat ko nang malaman ko na nasa loob ako ng isang ambulansiya. “Mabuti naman at nagising ka na, Erika!” Nagulat ako nang mula sa aking tabi ay nagsalita at nakita ko si Janine. “J-janine? A-anong nangyari?” naguguluhan kong tanong. “`Wala ka bang natatandaan? Nanghimatay ka kanina no’ng makita mo iyong pugot na ulo!” Ano? Naguguluhan ako! Ibig bang sabihin panaginip lang ang lahat? Hindi ako natuloy sa pagba-babysit dahil panaginip lang lahat ng iyon. Wala akong napatay! Diyos ko! Maraming salamat! Hindi kaya isang masamang pangitain ang panaginip na iyon? “Kaya mo na bang maglakad? Kaya mo pa bang mag-baby sit?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Janine. Iyon din ang tinanong niya sa panaginip ko! Natulala ako sandali... Napapitlag ako nang hawakan niya ako sa braso. “Erika, okay ka lang ba?” “A-ayoko na. Ayoko! Ayoko nang mag-babysit!” At nagmamadali akong lumabas ng ambulansya. “Akala ko ba kailangan mo ng pera? Tapos ngayon ayaw mo na?!” Hindi ko na sinagot si Janine. Nagmamadaling nilisan ko ang lugar na iyon. GABING-GABI na at nakahiga na ako sa aking higaan sa boarding house kung saan ako tumutuloy pero hindi ako makatulog. Laman pa rin kasi ng isip ko ang napanaginipan ko kanina. Salamat at panaginip lang ang lahat ng iyon. Mabuti na lang din at hindi ako tumuloy kina Mrs. Sanchez dahil baka magkatotoo pa ang aking napanaginipan. Tumayo ako at nagtungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. Pabalik na sana ako sa kwarto nang mapansin kong nakabukas ang pinto ng silid ni Malou. Tila may bumulong sa akin na pumasok doon. At ganun na lang ang gulat ko pagpasok ko sa kwartong iyon. Si Aling Malou! Pahigang nakatali sa kama! Parang nangyari na ito… Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at tinanggal ang busal sa bibig niya. “Aling Malou, anong nangyari?!” Kinakabahang tanong ko. “Tumakbo ka na, Erika!!! `Andyan na siya!!”' malakas na sagot niya sa akin. Pagtingin ko sa pintuan ay napatili ako sa nakita ko. May lalaking nakatayo doon. May suot na helmet na bakal at ang kamay nito ay puno ng sariwang dugo! THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD