Mindset "May good news ako, Irah!" Balita sa akin ni Megs sa umaga nang magtungo ako sa gaganapin kong photoshoot ng linggong iyon. "Hmm?" I smiled while looking at him on the mirror. Ang iilang hairstylist ay nasa aking likod na at inaayusan ako pero nakukuha narin ni Megs ang kanilang atensyon. "Nakatanggap ako ng email kahapon sa isang sikat na magazine sa ibang bansa! Kukunin ka daw na modelo! Kung pwede, pag nakapagtapos ka ng pag-aaral ay sila raw ang maghandle sa career mo!" My face lightened. "Really?!" Sa sobrang pagkakagulantang ko ay napatayo narin ako sa upuan. "Talaga, Megs?!" Iyong hairstylist ko naman. Ang iilang mga staff na nandito ay nagiging interesado narin. Tumango tango si Megs! "Magiging international model na itong alaga natin!" I got so carried away tha

