Eighteen Tahimik kong itinuon ang buong atensyon ko sa labas ng bintana ng kanyang kotse. Hindi ko alam kung ihahatid niya ba talaga ako sa bahay o dederitso kami sa kanyang condo. Hindi ko naman siya nababasa kaya ang hirap ring hulaan. "How's your day?" Kalmado niyang tanong sa kabila ng mga kilay kong nagkakasalubong. "Fine." I answered flatly. Tumahimik siyang muli at mukhang doon na matatapos ang aming pag-uusap kaya mabilis akong nag-isip ng pwedeng idagdag para mas humaba pa ang aming pag-uusap. "Eh ikaw? Ang trabaho mo?" Tanong ko pabalik. "Ganoon parin. Marami akong ginagawa." "At pinuntahan mo pa ako. Dapat di ka nalang nag-abala." Matabang kong sagot sa kanya at taliwas sa sinasabi ang gusto. "That's why I want to treat you. Masyado akong busy. I know that." Naging ka

