Condo Umikot ang buo kong summer sa aking pagmomodelo. Tuwing summer lang rin kasi ako nagkakaroon ng photoshoot at mga break dahil hindi pinahihintulutan ni Mommy na mahalo ito sa schedule ko tuwing may pasok. Daddy is just supporting me. Wala naman siyang reklamo pero bawal pa ako sa mga mature na shots. Iyon lamang ang kanyang problema at kung hindi ay mahihinto talaga ako. "Anong kukunin mong kurso?" Tanong sa akin ni Franca habang sinasamahan niya ako sa aking photoshoot. "Business Finance," sagot ko sa kanya habang nakatunganga ako sa aking i********:. "Finance?" Tumango ako. "That's for my future purposes. Para pag nagtayo ako ng business ay hindi ako mahirapan sa pagmamanage ng sariling pera." Hindi na ito umimik pa at nasa sariling cellphone narin ang buong atensyon. Magse

