SIMON'S POV: NALILIGO na ako sa pawis pero hindi pa kami nakakarating sa main road. Kahit pababa ang daan, sobrang bigat naman nitong naka-piggyback sa akin! Damnit! Talagang sineryoso niya na magpapasan sa akin! Ang sarap niyang ihulog, kung wala lang akong malaking atraso sa kanya. “Bumaba ka na kaya, hmm? Pagod na pagod na ako oh?" ingos ko dito na parang tukong naka-piggyback sa akin! Ang sakit na ng mga binti at tuhod ko pati mga braso. Damn, e mas mabigat pa siya kaysa sa akin! “Magtiis ka. Hwag mo akong palakarin dahil masisira ang sapatos ko,” sagot nito na natatawa. “Tangina, akala mo ba ay magaan ka, ha?” angil ko pa. Napahagikhik naman ito. “Kung ‘yong anak ko ang kinakarga mo, nagrereklamo ka ba?” sagot naman nito. “Hwag mong kalimutang. . . ligawan din kami ni Jene

