SIMON'S POV: MAHABANG katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa ni Noah matapos nitong mailabas ang galit. Naubos na rin namin ang dinala niyang beer. Pasado alasdyes na rin ng gabi at malamig na ang simoy ng hangin. “From now on, stay away from her, Simon.” Wika nito. Natigilan ako na napalunok at parang piniga ang puso ko sa narinig na sinaad nito! Napalingon ako sa kanya na sa harapan namin nakamata at bakas ang kaseryosohan sa mukha. “N-noah, I can't do that, dude. Sinabi ko na sa'yo, n-nagmamahalan kami ni Jenny,” utal kong pakiusap dito. “Ako ang masusunod dito dahil ako ang ama niya, Simon. Bata pa ang anak ko. And this is the best for her. She's still studying too. Hindi ko siya. . . hahayaang pagsawaan mo lang,” wika nito na dahan-dahang lumingon sa akin. Nagsalub

