SIMON'S POV: HABANG magkakaharap kaming nagmemeryenda, hindi ko maiwasang napapasulyap kay Jenny. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nandidito siya ngayon sa hacienda. Kukunin lang ba nila ang mga gamit niya dito? Pwede namang ipakuha na lang nila sa mga tauhan nila ang mga naiwan niyang gamit dito. Nakakapagtaka lang na ang babaw ng dahilan niya kanina sa akin dahil kung tutuusin, wala lang naman sa kanila kahit hindi na niya kunin ang mga gamit niyang naiwan dito noon. Bukod sa tatlong taon na ang mga iyon, barya lang sa kanila ang mga damit niyang naiwan dito. Gusto kong mag-assume na may iba siyang dahilan kaya nandidito sila pero– pinipigilan ko ang sariling umasa. Sa tuwing napapasulyap ako sa kamay niyang may suot na wedding ring, nahihirapan akong lumunok at makahinga. Parang

