Kafanatic number 1
Adrielle Martinez' POV
"Shiiiittttt!!!"
Napatili ako nang makita kong sumasayaw at gumigiling-giling ang paborito kong artista na si Cedric Corpuz.
"s**t! Kelan kaya kita makikita sa personal?!" Patili kong sabi habang tumatalon-talon.
Nakakainis naman kasi ang lalayo ng mga mall shows or tours niya dito sa Taytay.
Lumapit ako sa standee niya dito sa kuwarto ko at dahan-dahang hinaplos ang mukha niya. "Kelan ka kaya magkakaroon ng mall show or tour sa Sun Mall? O kaya sa may East Mall? O kaya ang pinakamalapit, Wonder Mall? Waaaaaa... Kelan ba?!"
Napasimangot ako habang nakaakbay sa standee ni Cedric. Ningingitian niya lang ako. Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa? Teka! Parang kanta 'yon ah? Pero parang pangarap ka na lang talaga Cedric. Ang saklap.
Humiga ako sa kama at kinuha ang unan kong may print ng mukha ni Cedric.
Idol na idol ko talaga si Cedric. Marami akong idol pero siya ang pinaka-idol ko at super crush. Napapangiti ako kapag naiisip at nakikita ko siya. E sa guwapo e! Bakit ba?! Mabait pa. Marami siyang charity works.
Nawala ako sa pag-iisip nang marinig kong may mall show siya.
"I'll be in Sun Mall at 5 pm today. I'll see you all there." Kumaway-kaway siya at kumindat.
Napa-upo akong bigla. Tang juice ko!
“This is to promote their new upcoming teleserye. A teleserye with Ms. Cassandra Cortez. Wow! This is amazing, interesting, and exciting. Surely their fans are waiting.” Pag-aanunsyo ng host matapos makaalis ni Cedric.
Ah! Basta si Cedric ang pinakaimportante sa lahat. Yun lang! Napa-irit ako at nagpapapadyak. Kinuha ko ang standee at niyakap ito ng mahigpit. Grabe! This is it pancit!
Sun Mall! Malapit lang iyan dito sa amin! Kaya here I come! Humiga ako ulit at kinuha ang unan. Pinaghahahalikan ko ito. Cedric!!!Mamaya makikita na kita ng personal! Almost two years din ang hinintay ko.
Napatingin ako sa kisame ng kuwarto ko na binudburan ko ng mga litrato ni Cedric. Itinaas ko ang kanang kamay ko at kunwa'y inaabot ang mga litrato. Malapit na! Abot-kamay na talaga kita! Niyakap ko ng mahigpit ang unan at hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa aking labi.
"Kailangan maganda ako. Pupunta ako!" Sigaw ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na binura ang background picture namin ni Cedric na pinoto-shop ko lang. Sisiguraduhin kong makakalapit at makakapagpapicture ako sayo! Chance ko na ito!
Nagpagulung-gulong ako sa kama ko habang nangingisay-ngisay.
"Hoy, Adrielle! Baka nakakalimutan mong may trabaho ka mamaya."
Itong si mama basag trip!
"Ah, basta Mama! Magdadahilan ako, mamaya lang naman ako aabsent."
Online English tutor ako sa mga Koreans. Graduate ako ng BSED-ENG pero pinili ko maging online tutor. Sobrang baba kasi ng sahod sa private school at ang karamihan sa public school ang kailangan ay may experience na. E fresh graduate ako.
Malaki naman ang per hour ko rito sa pagiging online English tutor, 120. Oks na oks na ito. Single naman ako.
"Bahala ka na nga! Artista, artista! Wala kang mapapala diyan!"
Napaka ni mama. Napaka-supportive! Grabe!
"Basta! Nothing can stop me or rather no one can stop me."
Napatingin ako kay Mama na nakapameywang ngayon.
"What? You wanna show the world or the universe rather than no one can stop you?" Taas kilay niyang sabi.
Napatawa ako ng kaunti. Parang ewan ito si Mama. Napapa-Pia pa.
"Pia Wurtzbach lang ang peg, Ma? May bago na ma. Si Catriona Gray na. I work a lot in slums of Taytay Rizal. And life here is very poor. I have taught myself to look for the beauty in it. I would bring this aspect to see situations with a silver lining and even gold lining. But I need to go and see Cedric in order to do that. To be inspired and energized.”
Napamaang na lang si mama na siya kong ikinatawa.
"Ah basta! Pagsasayang ng oras iyan."
"Hindi noh!" Natatawa kong sabi.
Nag-ayos na ako. Go na go na ito! Kinuha ang poster at magazine na papapirmahan ko. Nagsuot ako ng floral dress at nag flat shoes lang. Inilugay ang aking black straight hair at nag make-up ng kaunti.
Chineck ko ulit ang bag ko. Cellphone and camera, checked! Pera, checked! Press powder, checked! Lipstick, checked! Poster and magazine, checked! All set.
"Ma, alis na po ako."
"Sige, goodluck sayo. Sana mapansin ka kahit madami ang tao."
"Opo!" Sarcastic kong sagot. Napaka-nega!!!
Inayos ko ang buhok ko at ngumiti. Good vibes lang dapat. Lumingon ulit ako at dahan-dahang kinawayan ang mama ko na para akong Ms. Universe.
“Ma, tandaan mo ito! Iuuwi ko ang korona.” I flipped my hair. Dahan-dahang tumalikod. Naglakad paalis.
“Sige, go! Push mo yan, te! Wag ka sanang umuwing luhaan.”
Hmp! Si mama talaga! Kontrabida talaga sa buhay ko!
Pagkarating ko sa venue ang dami na ngang tao. What? Maaga pa ah. Napatingin ako sa wrist watch ko. 4 pa lang e. Makalapit na nga lang.
"Excuse me. Excuse me." Sabi ko sa mga taong nakaharang.
Nakipagsiksikan ako makapunta lang sa harapan.
Napabuntong hininga ako. Paano ako makakalapit neto? Sobrang daming tao at sobrang daming bantay.
Baka tama si mama na wala akong mapapala, na baka hindi ako mapansin. Umiling-iling ako. Tanggalin ang mga iniisip na masama kasama ang mga sinabi ni Mama. Basta think positive lang!
Inhale. Exhale.
Kapag may tiyaga, mag nilaga. Aja!
Good things come to those who wait. Tama!