LATE na akong nagising sumunod na araw. Wala akong trabaho dahil sunday. My friends and I talked about a lot of things last night while drinking kaya medyo masakit ang ulo ko. Ni di ko narealize na sa sala na pala kami nakatulog. It was fun though. Ngayon lang ulit kami nagka-time sa isa't isa dahil maraming problema at palagi kaming busy. I guess, boy problems really bring girls together. Tumayo ako mula sa sahig. Tulog pa ang mga kaibigan ko. Papunta na ako sa kwarto ko nang maramdaman kong may nagba-vibrate sa bulsa ko. Tiningnan ko iyun. Parang nawala ang hangover ko at tuluyan na akong nagising nang mabasa ang pangalan ni Phillip. f**k. Nakalimutan ko siyang tawagan kagabi. Nakailang missed calls na siya. When did I put my phone to silent mode? Nagtungo ako sa labas ng bahay bago ko

