Patricia's P.O.V. Kinabukasan ay hindi ko pinapansin si Ivan. Hindi man lang nag sorry kagabi sa akin. Nakakainis. Ano ba talagang problema niya? "Mommy, kina lola ako matutulog. Saka hindi po ako uuwi bukas," sabi sa akin ni Blake habang kumakain kami ng almusal. "Why?" tanong ko. Nakakapagtaka naman. Hayyy, siguro na miss lang niya ang lola at lolo niya. "Okay baby. Be sure na magpapakabait ka roon," sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti siya. "Thank you Mommy," masayang sabi niya. Tumayo si Ivann "Let's go Blake. Hahatid na kita sa lola mo," sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin. Psh. Nakakapagtampo talaga siya. "Bye Mommy," sabi ni Blake at hinalikan ako sa pisngi. "Bye baby," nakangiting sabi ko sa kaniya. Nakaalis na sila. Ano naman gagawin ko dito? Ako lang mag isa

