Patricia's P.O.V. Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Ivan. Napakalamig niyang makitungo sa akin. Hindi ko naman alam kung may ginawa ba akong mali. Kung may ginawa ba akong kasalanan sa kaniya. Pilit kong iniisip kung meron nga ba akong nagawa. Pero hindi ko naman talaga iyon mapagtanto. Noong minsan na araw namin ay sobrang lambing niya. Sinusunod lahat ng aking gusto. Palagi pa nga akong hinahalikan kada minuto. Kaya naman talaga nakakapagtaka na pagkagising ko ay ganito na ang trato niya sa akin. Lumapit ako sa kaniya. "May problema ba tayo Ivan?" nag aalalang tanong ko. Ayaw ko ang ganitong pakiramdam. Ayaw ko na meron siyang tinatagong sakit ng loob sa akin. Ayaw ko na hindi niya ako pinapansin. Gusto ko na nasa akin ang kaniyang atensyon. Binalewala niya muna saglit ang kaniy

