Patricia's P.O.V. "Ivan," pagtawag ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa kaniyang opisina. Ayaw kong mawala siya sa aking paningin. Nagpumilit talaga ako na sumama sa kaniya. Hindi naman siya tumutol pa. Gusto rin naman niya raw akong makasama. Syempre sis sobrang kilig ko naman. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kaniya. Ang gwapo at ang hot pa naman niya. Mahal na mahal ko pa naman siya kaya kahit na maliit na bagay lang ng ka sweet-an niya ay kikiligin na talaga ako. Ganoon ako karupok mga sis. Binitawan niya ang hawak niyang papel at tumingin sa akin. "Hmm?" he asked tenderly. Pagkatapos ay nginitian niya ako. Tumayo ako mula sa sofa. Pumunta ako sa harapan ng kaniyang la mesa. "Gutom ako," saad ko at ngumuso. Nararamdaman ko na kasi ang pag rereklamo ng aking tiyan. Gutom na na

