Chapter 5: Baby

1427 Words
Third person's P.O.V. Nag-aasikaso ngayon si Patricia ng mga dapat niyang gawin ng tawagin siya ng isa sa kanyang mga employado sa kanyang coffee shop. Nagbukas na kasi iti at naging successful naman ang unang araw. Dahil malapit ito sa mga paaralan at mga opisina. "Ma'am gusto raw po kayong makausap ng isa sa mga customer. Number eight po ang table niya," sabi ni Shane na isa sa mga nakuha niyang empleyado oara sa kaniyang coffee shop. Napasapo naman siya sa noo niya. Busy pa naman siya sa pag eexperiment ng bagong kape. Ang kaso ay kailangan niya pumunta roon. Kailangan niya iprioritize ang kaniyang customer. "Okay," sagot niya at tipid na ngumiti. Binitawan niya ang hawak niya at nag hugas muna ng kamay. Pinunsan niya ito sa bimpo na nakasabit doon. Inayos muna niya ang kaniyang sarili at naglakad na papunta sa tinutukoy ni Shane. Pagkakita niya sa taong iyon ay napa irap na lang siya. Napabuntong hininga siya at napilitan na lumapit dito. "Ano pong kailangan niyo?" magalang niya pa ring saad kahit na naiinis na siya rito. Ang kaniyang asawa iyon. Yeah, si Ivan ang gustong kumausap sa kaniya. Ngumisi ang lalaki. "Ikaw," direstsong saad nito. Hindi na nagpalugay lugay pa. Ang mga mata ni ay sadyang nakatuon pa sa kaniyang mga mata. Doon ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili. "Ano ba talagang problema mo?" inis niyang tanong. "Gusto mo talagang malaman ang mga problema ko?" mapanuyang sagot nito. "Pwes iyon ay kung paano ka mapabalik sa akin," nanlambot anh ekspresyon nito. "Kung paano ko kayo mababawi ng aking anak," patuloy niya. Napatanga siya at nangapkap ng pwedeng maisagot dito. Napangunahan siya ng kaba at kung ano nalang ang lumabas sa kaniyang bibig. "Stop saying non sense things, Ivan," pinilit niyang maging galit ang kanyang tono. Nagtagumpay naman siya. Lumungkot ang lalaki. "Ano ba talagang kailangan kong gawin Patricia?" tila naiiyak na niyang tanong. Napabuntong hininga siya. "Wala, Ivan. Tumigil ka nalang at sumuko. Hindi na marerevive ang relasyon natin," gusto na niyang tumalikod at iwan ito. Ngunit hindi niya iyon magawa. Ang malungkot na reaksyon nito ay mas lumungkot pa. "Patch pwede natin iyon gawin. Pwede nating isalba ang relasyon natin," mahina nitong saad. "Matagal ng naputol ang relasyon natin," matatag niya pa ring sambit. "Alam mo at alam ko na hindi iyon naputol. Yes we fall apart for how many years. Pero nanatili pa rin tayong kasal. At isa pa ay meron pang isang mahalagang bahagi ng buhay natin ang nagtutudlong sa atin," puno ng pag asa ang kaniyang boses. Oo at kasal pa rin sila. Hindi na niya naasikaso ang annulment nila dahil sa pagka busy sa kaniyang coffee shop. O sadyang ayaw niya lang din talaga. "Ivan," mariin na niyang sambit at napapikit na. "Ayaw mo bang sumaya ang anak natin? He was so sad when he asked me if he can call me Daddy," iyon ang pinanlaban niya. Alam niyang importante ang anak nila sa babae. Napabuntong hininga naman si Patricia. Isa na siguro sa mga weakness niya ang pagiging malungkot ni Blake. Hindi lingid sa kaalam niya na gustong gusto na nitong makilala ang kaniyang ama. Alam niya rin na umiiyak ito kapag siya lang mag isa. Nababantay niya ito at wala ng magawa kung hindi nalang panoorin. Pero ngayon na may paraan na para masolusyunan ang problema ng anak ay siya naman ang nag iinarte. "Fine. Ngayong araw lang ito. We will gonna fetch him together. Papabayaan ko rin na magsama kayo ng matagal. Bastat kasama rin ako," pag suko na niya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Ivan. "Thanks, Patch," he said sincerely. Masaya sa naging pasya ng kaniyang asawa. "Babalik muna ako roon at kakausapin ang mga empleyado ko," paalam ng babae. Tumango na lamang si Ivan. Naiwan siyang nakangiti sa kaniyang la mesa. Ininom niya ang inorder niyang kape kanina. Masarap iyon at mabango rin. Tunay ngang napakagaling ng asawa niya sa larangan na iyon. Hindi nagtagal ay nagabalik na ito. Tumayo na rin siya. "Kotse ko nalang ang gamitin natin," Ivan suggested. Hindi umimik si Patricia at tumango na lang. He open the door for her. Siya naman ay natigilan. Dito kasi sa kotse nito nabuo ang iilang mahahalagang moments ng mag asawa. Napansin ni Ivan ang pagkatigil niya. Napangiti siya ng malaman na meron pa rin talagang epekto ang iilang bagay sa kaniya. Sumakay na sila. "Saan nag aaral si Blake?" tanong niya. "St. Dominic," she answered. Mabilis niyang na process ang mga documents ni Blake para sa pagpasok nito sa school. "Can you tell some things about him? Wala pa kasi akong masyadong alam," pag babaka sakali niya. Hindi naman ganoon ka selfish si Pat para hindi sabihin ang mga ganoong bagay. "His birthday is on february twenty eight," pag uumpisa niya. "He likes so many colors. Masayahin siyang bata at bibo. Kung gusto mo ring makuha ang loob niya ay bigyan mo siya ng madaming sweets. Namana niya sa akin iyon," pagkukwento niya habang nakangiti. Napatango naman si Ivan habang nagmamaneho pa rin. Nasisiyahan na parang dati lang ay ganito sila magkwentuhan. Parang magkabarkda na mag asawa. "Sa ngayon tingin ko ay nagugustuhan niya si Lisa. Ang anak nina Thea," natawa siya sa sinabi. Natawa na rin sa Ivan. "Ang aga naman palang pumorma ng anak natin," saad niya. Parang magkaibigan lang sila na nag uusap sa loob ng kaniyang kotse. Nawala amg iringan at galit. Kapag talaga ang anak nila abg pinga uusapan ay nasi set ang mood ni Patricia. Ball of sunshine niya nga kasi ito. Nang karating sila sa tapat ng St. Dominic at hinintay nila ang paglabas ng kanilang anak. Bumaba na sila ng makita na nila itong naglalakad. "Why he is so sad?" pagtatanong ni Pat. Nakakunot na ang noo niya dahil sa istura ng kaniyang anak. "Baka naman inaway siya," konklusyon ni Ivan. Kumulo ang kaniyang dugo dahil sa naisip. "Lapitan na natin para sumaya," hindi napansin ni Pat na hinawak niya ang kamy ni Ivan at hinila ito. Nakatingin naman si Ivan sa magkahawak nilang kamay. Nasisiyahan at natutuwa ang puso sa galak. Nang makita sila ni Blake ay agad itong napangiti. "Mommy!" sigaw nito at mas lalo pang nakita ang nasa likod ng Mommy niya. "Daddy Ivan," saad niya at mabilis na niyakap ito. Natawa naman si Ivan at kinarga ang anak. Masayang pareho ang kanilang nga mata. Napangiti ng wala sa sarili si Pat sa nasaksihan. Ang ganda palang pagmasdan ng mag ama. Ang dami nga niya talagang ninakaw na moments ng mga ito. "Tara na," saad ni Ivan at hinawakan siya sa kamay. Hindi na siya nag inarte lalo na at nakita niya ang kislap sa mga mata ng anak niya ng makita ang paghawak sa kaniya ni Ivan. "We look like a happy family," saad nito habang nakakarga pa rin. "Gusto mo bang ganito araw araw?" kinuhang pagkakataon iyon ni Ivan. "Yes po please," nakangiting sabi nito. Tumingin si Ivan kay Pat at tinignan ang reaksyon nito. Nakangiti ito sa anak at tila ba konting push nalang ay mapapayag niya ito. Sumakay na sila sa kotse. Si Blake na nasa likod. Si Patricia na nasa front seat at si Ivan na nagmamaneho. Mukha ngang buong pamilya. Katulad ng sinabi ng bata. "Where do you want to eat, Blake?" Ivan asked. Nag isip muna itong sandali. "Can we eat at Jollibee po?" tanong niya. Mabilis siyang tumango. Madami ngang namana sa Ina. Paborito rin ang Jollibee. Nang makarating sila sa nadaanan nilang Jollibee ay agad na bumaba si Ivan. Pinagbuksan niya ng pintuan si Pat at kinaraga ulit si Blake. "Hindi ka ba nabibigatan? Kaya naman niyang maglakad," tila nag aalalang saad ni Pat sa kaniya. Mabilis siya pumiling. "Nope. Ngayon ko na nga lang siya nakarga," saad nito. Napatango si Pat. Nalungkot dahil nakuha ang sinabi ng kaniyang asawa. Hindi nito na experience na karagahin si Blake noong baby pa ito. Dahil inilayo niya. Dahil tumakas siya. "I want so many chicken," masiglang saad ni Blake pagka upo na pagka upo palang nila. "Ako na ang mag oorder," presinta ni Pat. Agad naman na ibinigay ni Ivan ang kaniyang card dito. Hindi na siya tumanggi. Bumaling siya sa kaniyang anak. "Can I ask some question?" tanong niya rito. "Opo," tumango ito habang nakangiti. "Meron bang umaaligid na lalaki sa Mommy mo noong nasa states pa kayo?" Mabilis itong pumiling. "Wala po. If meron man ay binabawal ko. My Mommy only belongs to Daddy," pinal nitong saad. "Pero dahil Daddy ko rin po kayo ay pwede niyo siyang ligawan," nakangiti na nitong saad. "Really?" natutuwang tanong niya. "Can you help Daddy Ivan to court your Mommy?" Tumango ito. "Yes na yes po." Bumalik naman na si Patricia kaya napatigil sila sa pagsasalita. Blake winked at Ivan. "Mommy," tawag nito. "Pwede mo bang subuan si Daddy Ivan?" Nanlaki ang mga mata ni Pat. "Bakit naman?" "Because Baby mo rin siya." Doon ay nagulantang siya. Napatingin siya sa nakangising si Ivan. Wala na siyang nagawa kung hindi subuan ito. Sino bang makakatanggi sa cute na cute na si Blake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD