Patricia's P.O.V. Pagkatapos naming kumain doon ay nagpahinga muna kami sandali. Dumidilim na rin sa labas dahil mag pa five na ng gabi. Three thirty kasi ang labasan nina Blake. Pagkatapos ay naparami ang kwento namin dito sa Jollibee. Marami rami rin kasi ang inorder ko. Pang family meal. Medyo natagalan din sa pag ubos niyon. Kasabay pa ng kwentuhan ng mag ama. Hindi ko alam kung anong napag usapan nila kanina. At may pa baby baby pang nalalaman ang anak ko. Wala sa oras ko tuloy na sinubuan si Ivan. At ang isa naman ay tuwang tuwa. "Are you happy Blake?" pagtatanong ni Ivan. Mabilis na tumango ang anak namin. "Yes, Daddy Ivan," he answered. Talaga ngang Daddy na ang itinwag niya rito. "Uuwi na ba tayo?" pagtatanong ko. Humarap ito sa akin at pumiling. Bumalik ulit ang tingi

