Chapter 28

2920 Words
Tatlong katok ang narinig n'ya mula sa pinto kaya napalingon s'ya dito. Mag-isa nalang s'ya sa kwarto dahil si Lyka ay sinundo na ng kapatid na si Enzo bilang date nito at si Demi ay sinundo ni Casper na wala sa mood um-attend. At dahil hindi naman naka lock ang pinto ay bumukas ito at sumilip ang ulo ni Earl. Tiningnan muna nito ang buong silid bago ibinuka ng malaki ang pinto at pumasok. Humarap s'ya sa binata nang may malawak na ngiti. Pinasadahan s'ya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at kitang-kita n'ya sa mga mata nito ang pagkamangha. "I know that you're beautiful but tonight you look more stunning, babe," nakangiting sabi nito at binigyan s'ya ng mabilis na halik sa labi. "Talaga? Hindi ba pangit tingnan?" nakangiwing sabi n'ya saka ibinuka ang dalawang braso. Naningkit ang mga mata nito na parang di makapaniwala sa sinabi n'ya. "What? Of course not! How could you belittle your beauty? You are gorgeous love, always remember that, now let's go? Iniwan ka na pala ng mga kasama mo dito," mahina s'yang natawa sa sinabi nito at tumango. "Sinundo na sila ng mga dates nila at ang mga baklang nag-ayos sa amin ay umaalis na kaagad kanina pagkatapos kaming ayusan," paliwanag n'ya kung bakit mag-isa nalang s'ya. Nakahawak s'ya sa braso ng binata habang naglalakad sila papunta sa elevator na maghahatid sa kanila sa function hall, kung saan idinadaos ang event. May 20 minutes pa bago magsimula ang party. Isang hakbang para tuloyan silang makapasok sa hall ay agad silang nahagilap ng mga mata ng ina ni Earl. Narinig pa n'ya ang pag-daing ng binata nang magsimula itong salubongin sila ng may napakalawak na ngiti. "Can't she just stay with the oldies?" bulong ng binata kaya maging s'ya ay natawa. Agree s'ya eh. Panigurado eksena to eh. "Wag kang hihiwalay sa 'kin," pabalik n'yang bulong dito sa matigas na boses. Agad ibinuka ng ginang ang mga braso para salubongin s'ya ng yakap. Napasimangot ang binata sa inakto ng ina dahil ngayon ay sinusundan ito ng tingin ng mga taong kasama nila dito. "Hello there you two," masiglang sabi nito. Nag mukha itong mas mamahalin sa kaysa sa una nilang pagkikita. Sumisigaw ang malalaking perlas na kwentas at hikaw nito maging ang suot na bracelet pero bukod do'n wala na itong iba pang palamuti sa katawan. "You're so stunning, honey," pagpuri nito sa kanya. "Thank you po." Kitang-kita din ang magandang hubog ng katawan ng ginang dahil sa tangkad nito. Mas matangkad s'ya ng kaunti pero matangkad pa rin ito para sa height ng babae. "Good evening tita," bati n'ya at pinipilit maging normal ang halos ayaw magpakita n'yang ngiti. Humigpit ang hawak n'ya sa braso ng binata at sana ay maintindihan nito ang gusto n'yang sabihin. "Hi mommy," bati naman ni Earl sa ina at hinalikan ito sa pisngi. "Mom, excuse us for a while, punta lang muna kami sa table namin," paalam nito sa ina, pero biglang nanlaki ang mga mata nito na napatingin sa kanya na tila ba may naalala. 'Oh hell, please no' aniya sa isip. Pero laglag ang panga at balikat n'ya sa likod ng maganda at plastic n'yang ngiti sa sinabi nito. "Of course, but may I borrow Jaq first? I'll introduce her to our friends," aangal pa sana s'ya pero mabilis nitong hinawakan ang kamay n'ya at pinulupot sa likod n'ya ang isang braso nito habang sinasama s'ya sa pinanggagalingan nitong table na puro may mga edad na babae. Nakita n'ya do'n ang nanay ni Demi na nakangiti sa kanya. Pinipilit n'yang manatili ang ngiti sa labi para sa mga 'to. 'What the hell I have gotten into?' Lumingon s'ya sa pinanggalingan n'ya at hindi n'ya na do'n nakita si Earl. 'Nasaan na ang kumag na 'yon?' "There she is," nakangiting sabi ng mommy ni Demi. Tumawa s'ya ng mahina at nagpasalamat ng hindi naging sarcastic 'yon. "Hello everyone, meet my future daughter-in-law," pag-aanounce ng tita Marife n'ya. Hindi pa n'ya kailanman pinangarap ang lamunin s'ya ng lupa, ngayon palang. Bakit ba ang hirap ipaintindi sa ginang na 'to na hindi nga n'ya boyfriend ang anak nito. Walang sila. "We have finally met you," nakangiting sabi ng isang naka all white na magandang babae. Mukha lang itong nasa late 30's pero dahil nandito ito kasama ang mga ka edad ng nanay ni Earl, for sure hindi lang ito nasa late 30's. Nagiging judgemental na s'ya tuloy. "Good evening, ma'am," pagbati n'ya dito. "Just call me tita, I've heard a lot about you, I'm Lyka's mom," nanlaki ang mga mata n'ya sa narinig. Bakit ang bata pa tingnan ng nanay ni Lyka? Hindi na s'ya nakasingit sa pagsasalita nang batiin s'ya ng iba pang nandito, ni hindi n'ya natandaan kung sino ang iba. "This is the beauty I always wanted for my son," natatawang sabi naman ng isang napaka eleganteng babae sa suot nitong all black. Inspiration ba nito ang dating first lady ng Pilipinas na si Madam Emilda Marcos dahil sa suot nito. "Hello darling, I do not know if you heard about my youngest, he's quite popular, well, for girls because he's a womanizer, the hard headed Adam Castillo, I'm his mom." Hindi n'ya napigilan ang tawa sa kung paano nito ilarawan si Adam, well, 100 percent agree naman talaga s'ya. Gusto n'ya sanang sabihin na naniniwala s'ya dito at allergic s'ya mga gano'n pero mas pinili n'yang 'wag nalang. "Yes po, pareho po kami ng school ni Adam at Enzo," pagbanggit n'ya sa kaibigan nito at lumingon s'ya sa nanay nito. Malawak naman ang ngiti ng ginang na nakatingin sa kanya. "Ang mag bestfriend na 'yon, naku mga sakit sa ulo," komento ng nanay nina Lyka at Enzo. "Naging sakit din sa ulo ang unico hijo kong si Earl noong mga nasa edad s'ya nila Adam but look at him now, kaya 'wag kayong mawalan ng pag-asa pag 'yang mga binata n'yo tinamaan ni kupido, magkakaroon kayo ng gan'to kagandang manugang," pagmamalaki ng nanay ng binata. Bakit ba pag ito nagsasalita kahit tunog proud naman ito pero para s'yang natutunaw na kandila sa hiya. Namumula ang pisngi n'ya alam n'ya 'yon. Mabuti na lang ay nude ang make up n'ya magmumukha lang itong blush on. Baka kung nag palagay talaga s'ya ng blush on at namula ang mukha n'ya ay magmukha na s'yang clown. Iginala n'ya ang paningin sa paligid "Ahm, tita, okay lang po ba puntahan ko na sina Demi sa table namin? Nando'n din po si Earl," bulong n'ya sa katabi bago pa n'ya marinig ang iba pang sasabihin ng ginang. Lumawak naman ang ngiti nito at tumango kaya nagpaalam na s'ya sa mga ito. May pinabigay pa ang nanay ni Demi na bracelet para sa anak, nailagay daw ito ni Dem sa pouch kaya akala nila naiwan sa bahay. Nagmamadali s'yang naglakad papunta sa table nila at nang nakita s'ya ng binata ay agad itong tumayo para salubongin s'ya. "How was it?" agad na tanong nito sa kanya nang makalapit. "Paglingon ko lang kanina nawala ka na agad," aniya. "Pinuntahan ko lang si Biel para kausapin," sagot nito at agad s'yang ipinaghila ng upuan sa tabi nito nang makarating s'ya sa table. "Hi guys," bati n'ya sa mga nandito. May mga ilang upuan pang bakante at wala pang tao sa bandang tapat nila. "Hello pretty," bati sa kanya pabalik ni Demi, agad n'yang naalala ang pinabigay ng mommy nito. "Dem, pinabibigay ni mommy mo, nasa pouch n'ya daw," simpleng sabi n'ya at nanlaki naman ang mga mata ng dalaga at agad itong kinuha sa kamay n'ya at sinuot. "Oh my God! Akala ko kulang ang accessories ko tonight, thanks God! Thank you, Jaq," kinikilig na sabi nito. Nginitian n'ya ito at napatingin sa kamay n'yang pinisl ng binata na tahimik lang sa tabi. "Are you okay?" mahinang tanong n'ya dito. Ngumiti ito ng matamis sa kanya at hinaplos ang pisngi n'ya. Napapikit s'ya dahil sa init ng kamay nito. "This is no unreal," mahinang sabi nito. "The what?" "This, having you, having you as my date," sagot nito at diretsong nakatingin sa mga mata n'ya. Agad napawi ang mga ngiti n'yang pinipilit n'yang manatili sa labi ang naging seryoso ang mukha. Nawalan ng buhay ang mga mata n'ya at naging totoong Jaq s'ya sa mga sandaling 'yon. Napalunok s'ya at napakurap nang marinig ang isang pamilyar na boses at nang lumingon s'ya sa harapan ay nakita n'ya si Lizie na nakangiti habang malungkot pa ang mga mata na may kasamang isang matangkad na lalake na hula n'ya ay kasing edad ni Earl. Pinagsiklop ng binata ang mga daliri n'ya kaya napahigpit ang hawak n'ya sa kamay nito. "Finally," nakangiting sabi ni Lizie habang nakatingin sa kanilang dalawa ng binata. "Hi Jaq, hi major," kumaway ito sa kanila kaya ginaya n'ya ang ginawa nito sa kaliwa n'yang kamay. "Hi ate Lizie, kuya Franco," sabay-sabay na pagbati nina Demi, Lyka at ni Casper na kanina ay busy sa mga cellphone. Lumapit ang kasama nitong lalake kay Earl kaya tumayo ang katabi n'ya at nag manly hug ang dalawa. Mukhang magkakilala ang mga ito. Ito siguro ang sinasabi nilang fiance ni Lizie. "Love, that is Jaq, Earl's girl. And Jaq, this is my boyfriend, Franco." pagpapakilala ni Lizie sa kanya at sa kasama nito. "Hi Jaq," bati nito sa kanya. "I told you, you'll fall in love before you're 30," asar nito kay Earl at napuno ng tawanan ang mesa nila. "That's a long way to go, idiot," sabat naman ng katabi n'ya. Mukhang close ang dalawang 'to ah. "Ang saya n'yo naman," Natahimik ang buong mesa at sabay-sabay silang lumingon sa pinanggagalingan ng boses at bumungad sa kanila ang nakangising mukha ni Annie at ng mga kaibigan nito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Casper sa kapatid sa seryosong tunog pero hindi 'yon pinansin ng babae. Sinusundan n'ya ito ng tingin at kitang-kita n'ya kung kanino ito naka focus, kay Earl. Malawak ang ngiti nitong lumapit sa binata at inihaplos ang kamay mula sa kaliwang balikat at pinadaan sa likod pero iniwas ng binata ang katawan. "Annie, can you please stay away?" mahina ngunit madiin na pagkakasabi ng binata dito. Authoritative ang boses nito pero hindi nagpatinag ang babae. "Why? I've missed you, Earl," malandeng sabi nito at akmang ilalapat nito ang kamay sa braso ng lalake nang hilahin ito ni Lizie palayo sa binata. Agad dinaluhan ni Franco ang girlfriend para ilayo sa nagalit na si Annie. "For once Annie, act like an Ayala!" galit na sabi ni Lizie dito. Matalim na tiningnan ni Annie si Lizie. "The goody-good girl, Lizie. Pwede ba! Wag kang makialam sa 'kin, wala naman akong pakialam sa 'yo eh. Just mourn and move on!" singhal nito. Sina Demi at Lyka ay lumapit sa kanya kaya nabaling sa kanila ang mga mata ni Annie. "Ipapahiya mo na naman si Papa? Lagi mo ba talagang baon ang salitang eskandalo?" pagalit na sabi ni Casper sa kapatid at hinawakan ito sa braso pero iwinaksi ng babae. Nakangisi itong nakatingin sa kanya na parang adik. "You're here, what are you doing here?" mataray na sabi nito sa kanya. Hindi n'ya ito binigyan ng kahit na anong emosyon. Hindi pa to nakatikim sa kanya eh, baka ngayon palang. Ramdam n'ya ang pag pulupot ng braso ni Earl sa likod n'ya at ang paglapit ng katawan nito sa kanya. "Hindi mo alam? She's kuya Earl's girlfriend," sarcastic na sagot ni Lyka dito. Tinaasan s'ya nito ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Mabilis naman s'yang inilagay ni Earl sa likuran nito. "Annie, step back before I lost my temper," matigas na sabi ng binata. Biglang nawala ang tensyon sa paligid nila nang magsalita ang host at sabihing magsisimula na ang event. Wala s'yang naintindihan sa speech ng mga Ayala. Inililibot n'ya ang paningin sa buong function hall at sa mga taong nakatutok sa stage. Nasa taas ng stage ang pamilya Ayala pero hindi na umupo doon si Lizie. Nanatili lang ito sa table nila habang seryosong nakaharap sa stage. "Si Casper parang pasan-pasan ang mundo sa hitsura n'ya," natatawang sabi ni Lyka. "Babe, I'll just have to check on the security," bulong ng binata sa kanya. Lumingon s'ya dito at napatitig s'ya sa mukha nito bago tumango. "Pupunta lang din ako sa restroom," aniya at tumayo din. "Samahan na lang muna kita," seryoso nitong sabi pero mabilis s'yang umiling. "Hindi na, pumunta ka na do'n para makabalik ka kaagad dito," mahinang sabi n'ya. Mabuti nalang at nasa pinaka gilid ang table nila kaya hindi agaw pansin sa ibang mga bisita na tumayo sila. Sumabay s'ya sa ilang mga kababaihan na tulad n'ya ay naka itim din na tinatahak ang hallway papunta sa ladies restroom. BUT JADE WAS too fast than the snap. Mabilis itong nakarating sa fire exit kung saan walang cctv camera nang 'di napapansin ng ibang tao. Walang buhay nitong inayos ang sarili at inilagay sa customized gun na hindi nito alam kung bukod sa kanya ay may mga tao pang gumagamit nito. Inilagay nito ang black rose na may limang pulgadang haba ng tangkay na may lason na dulo at bilang bala nito. Ngumisi ito nang matamaan ang isang maliit na batong kumikislap at nakapatong sa talulot ng itim na rosas . Malayo ang distansya nito mula sa target na nasa gitna ngayon ng entablado kaya magiging malakas ang pwersa nito at sa tulis ng tangkay ay kaya nitong tumusok sa puno. Kaya kung pag-uusapan ang balat ng tao, that's a piece of cake. Humakbang ito ng ilang hakbang hanggang sa kitang-kita na nito ang buong hall mula sa pwestong kinaroroonan n'ya. Hindi s'ya dito madaling mapansin dahil naglalakihang banner ng mga Ayala. Saglit n'yang iginala ang mga mata hanggang sa tumama 'yon sa isang lamesa. Ibinalik n'ya ang tingin sa stage at ang nakatayo sa pagkakataong ito ay si Mrs. Ayala, at hindi ito ang kailangan n'ya. This is 20 million pesos. "Napaka special mo naman Mr. Ayala para gagastusan ka ng ganyan kalaki ng kaaway mo," aniya habang nakatuon ang mga mata sa lalakeng Ayala. Isang minuto lang at malawak ang ngiting tumayo sa gitna ang hinihintay n'ya. Inayos n'ya ang anggulo ng baril sa leeg nito. Seryoso n'yang iginala sa huling pagkakataon ang paningin sa paligid at kitang-kita n'ya kung gaano kasaya ang mga tao. "What a lucky and happy human beings," she said. At walang pagkurap n'yang ipinutok ang hawak n'yang baril. Hindi ito magsasanhi ng ingay ng putok dahil hindi naman ito maglalabas ng apoy. Inihipan n'ya ang dulo ng baril saka napangisi. Mula sa pwesto n'ya kitang-kita n'ya ang mabilis na paglipad na itim na rosas at pagturok ng tangkay nito sa leeg ng isang Mr. Ayala. Nanigas ito sa kinatatayuan at hindi n'ya inihiwalay ang mga mata dito hangga't di ito natutumba. Shock was written on everyone's face hanggang sa makabawi sa pagkabigla ang mga ito. Umalis sya sa pwesto at aririnig n'ya ang biglang hiyawan ng mga tao at pagkakagulo sa loob. Napangisi s'ya. In 5 seconds that Mr. Ayala is fine dead. Another easy millions. Akmang aayusin n'ya ang sarili nang makarinig ng mabibigat na mga yabag na papunta sa kinaroroonan n'ya. Mabilis s'yang lumabas sa fire exit door na unlocked n'ya na kanina pa. Dito bumungad sa kanya ang isang mahabang hagdan pababa. Ngunit hindi n'ya 'yon pwedeng tahakin. Paniguradong may mga nakaabang na sa kanya pababa. Well, she's not JADE for nothing and everything happens according to plan. Napayuko s'ya ng isang putok ang nagmula sa likuran n'ya. Hindi s'ya nag-aksaya ng oras na tingnan ang kung sino ang nasa likuran n'ya. Mabilis n'yang pinulot ang fire extinguisher at inihampas sa dingding na salamin saka inilabas ang katawan dito. Maraming putok pa ang humabol sa kanya pero walang tumama sa katawan n'ya. Nasa ika-pitong palapag lang ang function hall kaya hindi naman masyadong mataas ang pinanggalingan n'ya lalo pa at nag landing s'ya sa bubong ng isang establisyemento. Nang nasa dulo na s'ya ng bubong nito ay narinig n'ya ang mabigat na tunog ng sapatos kaya tumigil s'ya at humarap dito. Major San Diego. Nakatutok sa kanya ang hawak nitong baril, tumigil s'ya at maging ang paghinga n'ya sa unang pagkakataon sa maraming beses nilang magharap sa parehong sitwasyon, ngayon lang bumigat ang paghinga n'ya. Hindi nito kita ang mukha dahil suot n'ya ang maskara ni JADE at maging ang takip sa mga mata n'ya. Kaya alam n'ya isang maling galaw n'ya sa kinatatayuan hindi ito magdadalawang isip na barilin s'ya. Sumulyap s'ya sa baba at highway na 'yon. May mga iilang sasakyan na dumadaan. Binalik n'ya ang tingin sa nanlilisik na mga mata ng kaharap. "Hello, Major San Diego," aniya at pilit iniba ang boses mula sa original n'yang tunog. "How the hell did you get there?" umiigting ang panga nito sa bawat salitang binibitawan. "I was already there, since yesterday," Mabilis n'yang inikot at inihulog ang katawan at katulad ng inasahan, hindi ito nagdalawang isip na paputokin ang hawak nitong baril. Napangiwi s'ya nang makaramdam ng kirot sa tagiliran. Tumama. Nang makarating s'ya sa baba at makatayo ng maayos ay mas lalong kumirot ang tagiliran n'ya. Inilapat n'ya ang kamay dito at tiningnan ang dugong dumikit dito. Malalaki ang hakbang s'yang tumakbo para makalayo sa lugar ngunit isang block lang mula sa pinanggagalingan n'ya ay sumasalubong sa kanya ang may mabilis na takbong sasakyan at dahil sa kirot ng tagiliran n'ya ay huli na para makaalis s'ya sa kinatatayuan. And everything went black
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD