Chapter 27

2974 Words
"Kamusta naman ang kaso?" tanong ni Jaq sa binata habang nakahilig sa dibdib nito at kumakain ng popcorn at diretsong nakatingin sa pinapanood na action movie. Alam naman na kaagad ng binata ang kasong tinutukoy n'ya. Dahil sa pagkakataong ito, sa dinami-dami ng naglipanang mga wanted sa iisang pangalan lang naman yata naka focus ang mga tao. Naramdaman n'ya ang pagtaas baba ng dibdib nito nang huminga itong malalim at mag buntong hininga. "Malaya pa rin ang JADE na 'yon, matalino s'ya at malakas. Nakasagupa s'ya ni Lt. Lopez habang sila ang nagbabantay sa burol ni Mrs. Rodríguez, namataan ito doon ni Biel pero walang pawis na nakatakas, alam n'ya kung paano iligtas ang sarili," seryosong saad nito.  Kinuha n'ya ang kamay ng binata at pinagsiklop ang mga daliri nilang dalawa. "Noong mga nakaraang taon, tumunog ang pangalan n'ya pero kagaya ngayon. Anong pinagkaiba?" dagdag tanong n'ya. Kunwari ay hindi n'ya alam. "She suddenly became aggressive, at walang nakakaalam saan ang susunod n'ya pupuntahan," sagot naman ng huli. Umayos s'ya ng upo at humarap sa binata. "May hindi kayo napapansin," seryosong sabi n'ya kaya napatingin din ito sa kanya. Bumuka ang bibig nito para magsalita pero naagaw ang pagkakataon nito nang umilaw ang cellphone niya nang may biglang tumawag. Napatingin silang pareho doon at sabay nilang nakita ang numero nang nanay nito. "Mom's calling you?" gulat na tanong nito. "Hindi ba ikaw ang nagbigay ng number ko sa kanya?" nagtatakang tanong n'ya pabalik sa binata saka kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. Inilagay n'ya ulit 'yon sa speaker mode para marinig ng binata ang sasabihin nito. "Mommy, why are you calling Jaq?" bungad na sagot ng binata sa tawag ng ina. ("Oh, you're together, hello there my loves,") masiglang bati naman nito sa kanila. "Mom, how did you get her number? Where did you get her number?" walang pakialam ng binata sa pagbati nito. Habang si Jaq, nakikinig lang. Gan'to pala sila mag-usap? Parang makaibigan lang. ("I got it in your phone,") hagikhik na sagot sa kabilang linya. Agad kumunot ang noo ng binata pero nang prumoseso na ang sinabi nito dito ay agad napa face palm ito at napahilamos sa palad. ("Jaq, are you there?)  pagtatawag nito sa kanya kaya inilapit n'ya ang cellphone para marinig s'ya nitong magsalita. Hinapit s'ya ng binata para mas madikit dito. "Yes po, hello po," magalang na bati n'ya sa ginang. ("You really sounds like an Angel") kinililig na sabi nito sa kabilang linya. Nawala ang pinipilit n'yang ngiti at naging seryoso ang mukha. Ngumuso s'ya para makabawi sa naging ekspresyon. "Mom, you never talked to an Angel, how did you her sound?" sarcastic at pambabara ni Earl sa ina. ("Shut up!") singhal naman ng huli. ("By the way, are you two ready? You got your gown, Jaq?") tukoy nito sa magaganap mamayang thanksgiving party ng pamilya Ayala. Hinala n'ya ay maraming tao ang naroon at gaya ng sabi nina Demi hindi nga ito ina-announce sa publiko. Sinabi ng pamilya Ayala na dahil sa nangyaring trahedya sa pamilya nila ay iiwasan muna nila ang mga pagtitipon. Pero heto sila, tuloy ang thanksgiving party nila. Malaking pera man kasi ang ilalabas ng pamilyang 'to, malaking pera din naman ang papasok sa kanila. "Yes po," simpleng sagot n'ya dito. ("Great! See you later,") nakatinginan silang dalawa ng babaan sila nito ng tawag. Napailing nalang ang binata saka inihilig ang ulo n'ya aa dibdib nito. "Ang excited naman ng mommy mo, ako nga parang ayaw ko talaga umattend do'n," pagsasabi n'ya ng totoo. "Sino ang date ko kung di ka aattend?" tanong naman sa kanya ng binata. "Di mo nga ako tinanong na maging date," reklamo n'ya dito at hinampas ang matigas na t'yan. "I was about to ask you the same day no'ng nalaman ko na tuloy nga ang party pero ang sabi ni mom naunahan na n'ya ako," napakamot sa ulong sabi nito na ikinangiti n'ya. "But hey, I still did asked you," pagkabawi nito. Nagkibit balikat lang s'ya at tumingin sa pinapanood nilang palabas na hindi na n'ya alam kung paano na umabot sa eksenang 'yan. "So we're were we?" Agad sa sabi nito at kumunot ang noo n'ya sa pagtataka. "Ha?" "Saan na nga tayo sa usapan natin kanina?" paglilinaw nito. Kay JADE, pinili n'ya nalang wag ng banggitin ang sariling observation, knowing Earl, possibleng napansin na rin naman na siguro nito 'yon. Pareho silang lumingon sa pinto nang tumunog ang doorbell. Parehong nagtataka dahil wala naman silang inaasahang darating. Impossible na ang mommy ng binata dahil ito mismo ang nagsabi sa magkikita sila doon. Impossible na sina Lyka, hindi pupunta dito ang mga 'yon. Kung si Annie, malabo dahil hindi na makakapasok dito sa building 'yon. Hindi n'ya alam kung paano nagawan ng paraan ng ginang pero naging possible. Totally and forever banned na nga ito dito. Walang nagawa ang pera at apelyido nito dahil sa pagkakaalam n'ya hindi naman ito binack-up'an ng ama. Pero kahit ganoon, alam n'yang mkakasalubong n'ya ang malansang isda na 'yon at sigurado s'ya sa eksenang pwedeng gawin no'n. Wala sa katawan ng babaeng 'yon ang kahihiyan at lalong walang pinipiling lugar ang pagiging eskandalusa no'n. Tumayo ang binata para tingnan kung sino ang naroon at sumunod s'ya. Tumabi s'ya dito pero inilagay s'ya nito sa bandang likuran. Sinilip ng binata sa intercom video connection kung sino ang naroon at nakita nila ang isang naka uniform na lalake. Mukha itong bodyguard sa suot nitong uniform at hindi pamilyar sa kanya pero pinagbuksan ito ng binata. Pinagmasdan n'ya lang ang mga kilos ng binata dahil panigurado ay kilala nito ang dumating. Nang mabuksan na ang pinto ay yumuko bilang paggalang at bumati sa kanilang dalawa. "What is it?" seryosong tanong ni Earl dito. May inabot na maliit na paper bag ang lalake at tinanggap ni Earl 'yon at nang makuha ay agad nagpaalam ang lalake. "Sino 'yon?" agad n'yang tanong nang maisara ng binata ang pinto. "Bodyguard ni mommy, teka, what's this? A car key?" gulat na tanong nito nang mailabas ang laman ng isang maliit na box na laman naman ng inabot na paper bag. "That's Ferrari's" aniya at lumapit s'ya dito at nakita n'yang may isang note na nakalagay sa loob ng maliit na box. Kinuha n'ya 'yon at binasa. 'A humble gift to an Angel like Jaq' from tita Goddess Nanlaki ang mga mata n'ya sa nabasa at napatingin sa susing hawak ng binata. "What the f*ck!" reaction ng binatang nasa tabi n'ya at nakikibasa. "Tita Goddess? What the hell is wrong with mom? Is she okay? Do I need to call a help for her?" parang kinahihiya nito ang nanay sa naging reaction. Mabilis nitong hinablot ang hawak n'yang card at ibinalik sa box. Sinamaan n'ya ng tingin ang binata dahil 'yon talaga ang napansin nito. Hindi ba nito nakita ang 'A humble gift to an Angel like Jaq' na nakasulat doon. Ibig sabihin, "This is for me?" Nanlaki ang mga mata n'yang napatitig sa susi at inangat n'ya pa 'yon sa ere. "I guess yeah," natatawang sagot naman binata at niyakap s'ya nito mula sa likuran. Umiling s'ya at tumingin dito. "Alam mo ba ang tungkol dito?" akusang tanong n'ya. Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa kanya. "Of course not! That's mom's gift for you," depensa naman ng huli. "Why would she give me a Ferrari as a humble gift?" bulong n'ya sa sarili at kinuha ang kamay ng binata at padabog na inilagay doon ang susi. Nagtakang tumingin ito sa kanya. "Why?" "Hindi ko pwedeng dalhin sa bahay ko ang sasakyang 'yan, baka mapag tripan 'yan doon kaya dito nalang natin ipark yan," aniya. Nakita n'yang napa-isip ang binata kapag kuwan ay tumango. "O-okay, let's just keep it here," pagsang-ayon nito sa kanya. Ang totoo ay wala s'yang balak tanggapin ito at pasalamat s'ya na makatotohanan ang naisip n'yang alibi. Hindi n'ya ito pwedeng tanggapin dahil alam na n'ya sa sarili n'ya ang mangyayari. Noon palang alam na n'ya. Nakaplano na ang lahat, naka-ukit na sa hangin. Wala sa sariling tumingin s'ya sa suot na smart watch at nakitang sampung minuto nalang ay alas sais na ng gabi. "It's almost 6 na pala, kailangan na nating pumunta sa hotel, ang sabi nila Lyka ay doon kami magkikita," aniya at kinuha ang bag. Kumilos din naman kaagad ang binata ang binitbit ang dalawang box na naglalaman ng mga susuotin nila. Medyo matraffic pero hindi naman sobrang tagal ang usad. Inabot lang sila ng halos 30 minutes sa daan. Pagdating sa hotel ay agad silang sinalubong ng isang babaeng ngayon n'ya lang nakita. "Hello, Mr. Major," malawak ang ngiti nito sa labi at bumeso sa binata. "Czarina, hi," pagbati ng kasama n'ya. Lumapit ang isang bouncer nang tawagin ito ni Earl at inabot dito ang dala nilang boxes at inutusang dalhin sa kwartong nakapangalan para sa kanya. Napag-alaman n'yang exclusive ang hotel na ito ngayon sa reservation ng pamilya Ayala para sa mga bisita. Marami s'yang nakitang dumating na mga panauhin pero wala pa s'yang nakikitang kakilala. Siguro ay nasa taas na sina Lyka or baka kasama ang pamilya. S'ya lang ang outsider dito. Hinapit s'ya ng binata sa bewang kaya napadikit ang katawan n'ya dito at agad n'yang nilagay ang kamay dibdib nito para mabalanse ang katawan. "This is Jaq," pagpapakilala ng binata sa kanya. Jaq who? "Hello Jaq, nice to finally met you. Ibinida ka ni tita Marife sa amin over the phone. By the way, I'm Czarina Villanueva, Earl's cousin," pleasing na sabi nito sa kanya pero napangiwi s'ya saka tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Mga anak prinsesa ang lalambot ng kamay. Pero ang balak n'yang wag magpakilala sa mga magulang nito bilang original n'yang plano nang hayaan n'yang makapasok ang binata sa buhay n'ya ay nawala na. Ngayong gabi paniguradong hindi lang ang Czarina na ito ang makikilala n'ya at ang makakakilala sa kanya. Ano-ano kaya ang sinabi ng ginang tungkol sa kanya. Baka isipin ng mga ito gold digger s'ya at binigyan pa talaga s'ya nito ng sasakyan. Take note, hindi basta-bastang sasakyan dahil Ferrari! Ferrari! At ngayon ang dinala nila dito. Gusto daw binyagan ni Earl eh. "I hope it's all good thing," pagbibiro n'ya. "She was so excited, itong si Earl kasi wala pang naipakilalang girlfriend sa amin, tumatanda na," biro naman ng huli kaya nakatanggap ng nakmamatay na tingin mula sa binata. Nakita n'ya ang papalapit na si Lt. Lopez at nagpaalam na si Czarina na pupuntahan ang ilang kasama. Ganito ba ka pleasing ang clan at circle na ito? So talagang sampid lang si Annie. "Major," bahagyang iniyuko ng lalake ang ulo sa pagbati sa kasama n'ya. "How's everything?" tanong naman ni Earl dito. Nakuha n'ya kaagad ang pinag-uusapan ng dalawa, they're discussing the position and safety of this place. Nakita n'ya rin sa paligid ang iilang mga kalalakihan na hindi naka uniform na itim at may nakasulat na Police sa likuran nito. Habang si Biel ay mukhang imbitado din naman sa parting ito. Pagkatapos nila mag-usap ay agad silang pumasok sa lobby at doon nakita n'ya si Demi na nakaupo sa sofa kasama ang isang may edad na babaeng kahawig nito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita s'ya. Agad itong tumayo at malawak ang ngising patakbong lumapit sa kanya at bumeso. "Oh my God! Oh my God! Thank God hindi nagbago ang isip mo," sabi nito sa kanya habang humahalik sa pisngi n'ya. Napatawa nalang s'ya ng mahina. "Kuya, finally may date ka na," asar na baling nito kay Earl na seryoso ang mukha. Narinig n'ya naman ang mahinang pagtawa nito. "Teka, si Lyka nasa taas kasama ang mommy n'ya, pero pababa na daw sila, wait, come here, I'll introduce you to my mom, kuya excuse us," wala pasabing hinila s'ya nito palapit sa babaeng nakangiting nakatingin sa kanila na katabi nito kanina. Naramdaman n'ya naman ang paghawak ng binata sa bewang n'ya at ang pagsunod nito sa kanila. "Hello tita, how's Europe?" agad na bati ng binata ng makalapit sila dito. Tumayo ang ina ni Demi at bumeso sa lalake. "Europe is great, still great...," nakangiting sabi nito. "Mommy, this is the Jaq we are all talking about and Jaq this my mom," nakangiting pakilala ni Demi sa kanya at sa ina nito. "Hello po, a pleasure to met you," magalang na sabi n'ya. Isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kanya at tinanggap ang kamay n'ya. "Finally, Major....," natatawang sabi nito kay Earl. Ramdam n'ya ang bahagyang pagpisil ng binata sa tagiliran n'ya na ikinangiti n'ya. "Welcome to the circle, hija," masayang sabi nito at humalik sa pisngi n'ya. Maya-maya ay biglang iniluwa ng elevator ang nakangiting si Lyka kasama sina Enzo at Adam na parehong nakabihis na samantalang ang dalaga ay hindi pa. Tumuon sa kanya ang nanlalaking mga mata ni Adam na parang di makapaniwalang makikita s'ya nito sa lugar at event na ito. "Finally, you're here, let's go na. Kailangan na nating mag pa make-up in 2 hours mag start na ang party, let's go....," excited na salubong sa kanya ni Lyka at humalik sa pisngi n'ya. "Hello tita...," bati nito sa nanay ni Demi na nakangiti din naman dito. "Kuya, hihiramin na namin si Jaq ah, pakisundo nalang sya sa room namin," paalam nito kay Earl na ngayon ay tumingin sa kanya. "Hi, Jaq," nakangiting bati sa kanya ni Enzo kaya ngumiti s'ya dito pabalik. "Hello Enzo, Hi Adam," wala s'yang natanggap na sagot mula kay Adam habang tumango sa kanya si Enzo. Inilipat nya ang tingin kay Earl at awkward s'yang ngumiti dito at ito naman ay binigyan ng isang matamis na ngiti saka hinalikan sa noo. "What's with the smile? Are you nervous?" mahinang tanong nito sa kanya. Napalunok s'ya at dahan-dahang tumango. "Don't, you are so precious to get nervous around everybody, I'll pick you up in your room at 9:30, alright? Beautiful?" malambing na sabi nito. Gusto man n'yang maging masaya at ibalik dito ang ngiting binibigay sa kanya ay ayaw ng isip n'ya. This man is too good to be true at ang mga taong nakapaligid dito. "I'll see you later," aniya sa binata saka sumama sa dalawang babae na nakahawak sa magkabilaang braso n'ya. "My gosh! Hindi talaga ako sanay na ang sweet pala ni kuya Earl," kinikilig na sabi ni Demi at humihilig pa sa balikat n'ya habang nasa elevator sila. "You two are so lucky to have each other, Annie will be dead tonight," natatawang bulong ni Lyka sa kanilang dalawa na maging sila ay napatawa din naman. Kung kakalbuhin s'ya ni Annie mamaya ay sisiguraduhin n'yang malulumpo n'ya naman ito. Hindi s'ya katulad ng mga bidang babae sa pelikula na hahayaan n'ya lang tapunan s'ya nito ng alak sa damit at sabunotan. Nah ah. Nang makarating sila sa isang malawak na hotel room ay may naabutan silang anim na bakla na naghahanda ng mga make up. "Hello there gorgeous," maarteng bati ng mga ito sa kanila. "Hi guys, let's start na? I want it fierce," fierce na pagkasabi ni Demi at umakto pa sa harap ng salamin. "I want it sweet," dagdag naman ni Lyka. Nang hindi s'ya nagsalita ay nakatingin sa kanya ang lahat ng kasama mula sa reflection ng malaking salamin sa harap nila. "Well, I want it fierce but nude pero wag makapal, pwede?" aniya na nagpalakpak sa mga bakla at nagpangiti sa mga kasama. "On it, ladies!" excited na sabi ng isang bakla. "Of course, Madam. Ang ganda mo na, kaunting pahid lang ng make up, for sure, mag sa-shine ka lalo tonight," nakangiting sabi ng bakla na inilevel ang ulo nito sa ulo n'ya at nakatingin sa kanya sa salamin. Nginitian n'ya ito at tinanguan. Kaya pala anim ang nandito dahil tag-dadalawa ang mag-aayos sa kanila. Sa buhok at sa mukha nila. At gaya ng hiling n'ya ramdam n'yang manipis lang ang foundation na nasa mukha n'ya at hiniling n'yang naka ponytail lang ang buhok at hindi masyadong mataas. Maya-maya pa ay may kumatok at nang pinagbuksan ng make up artist ni Demi at nakita n'ya ang box ng gown n'ya na inabot dito. "Sa akin 'yan," aniya kaya inilapag ito sa kamang nakalaan sa kanya. "Thank you," pasasalamat n'ya dito. Ngumiti naman ang huli at kumindat sa kanya. "Ang perfect ng eyelashes nyo, madam," dinig n'yang sabi ng nag-aayos sa kanya. Hindi s'ya sumagot at binigyan lang ito ng ngiti. "Ayan, pwede n'yo ng idilat ang mga mata n'yo, tingnan n'yo po ang sarili n'yo, madam," excited na sabi pa nito. Sinunod n'ya ang sinabi nito at napanganga s'ya sa nakita. Hindi pa s'ya naayosan ng isang professional make up artist kaya ngayon n'ya lang nakita ang mukha n'ya na ganito. Noon, ay s'ya lang ang naglalagay ng make up sa mukha n'ya katulad ng prom at nilang acquaintance party sa school na ayaw na naman talagang puntahan pero napipilit s'ya  ni Kara. "Wow," aniya at gano'n din ang narinig n'ya mula sa katabing sina Demi at Kara. "Ang ganda mo," sabay na sabi nito kaya nagtawanan sila, malalaki ang ngiti mg mga baklang nakatingin sa kanila. "Ang gaganda n'yo rin," puri n'ya sa dalawa. "Mas maganda ka 'no," naka pout na sabi ni Demi. "Let's put our gowns on," excited na sambit ni Lyka at isa-isa nilang sinuot ang gown nila. "You changed your gown, Jaq?" gulat na tanong ni Demi, ngumiti s'ya dito at umiling. "Hindi, redesigned lang," aniya at tiningnan ang kabuuan sa salamin. Ang V-neck na pinapakislap ng gold na zipper ang design. Ang sleeves nitong nilagyan n'ya din ng zipper na mas nagpapakintab dito at ang ang zipper na design din nito sa harapan mula dibdib hanggang sa dulo but of course wala itong slider. "Mas lalong gumanda, there's no slider? How did you that?" ani Lyka. Ngumisi lang s'ya habang nakatingin sa sarili at napaisip. 'Tonight, is the beginning.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD