Chapter 26

2964 Words
AT DAHIL hindi na nga nag paawat ang nanay ni Earl sa pagdadala ng pagkain sa binata ay heto sila ngayon, s'ya nag da-drive habang ang kasama ay panay sa pag kwento. May kadaldalan pala ang isang 'to, di naman halata sa mukha. Pero ang bili naman nitong umamo sa kanya. Ilang minuto lang ay nakarating na nga sila sa presinto. "Hindi nalang po ako bababa," aniya. Napahinto ang ginang at tiningnan s'ya ng masama at bago pa ito mag reklamo ay sinabi na n'ya dito ang dahilan. "Busy po sila sa gan'tong oras," dagdag n'ya. Halatang di ito kumbinsido sa sinabi n'ya kaya bumalik sa pag-upo. "It's so sweet kapag ikaw mismo ang magbibigay ng niluto mo sa kanya," pangungumbinsi pa nito pero hindi naman s'ya nito natinag. Ayon na nga eh, that sounds sweet kaya ayaw n'ya lalo. "Kabisado n'ya po ang luto ko, he would know na ako ang nagluto n'yan," pasimpleng pamimilit na ayaw n'ya talagang pumasok sa loob. Nang makitang lumabas si Lt. Lopez ay nanlaki ang mga mata ng ginang at walang paalam na lumabas bitbit ang lunch box saka lumapit kay Biel. Kitang-kita din ang gulat sa mga mata ng lalake. Agad itong luminga at nang makita ang sasakyan n'ya ay kumaway ito sa kanya kahit na hindi naman s'ya nito kita mula sa labas. Inalalayan ng binata ang ginang na pumasok. Ibig sabihin nasa loob si Earl. Never pa rin naman kasi s'yang dumalaw sa dito sa trabaho nito at ayaw n'yang gawin. Ang mayroon silang dalawa ay alam n'yang hanggang ngayon lang, wala silang bukas, wala silang future at alam n'ya sa sarili n'ya 'yon. Hindi n'ya lang ma-diretso sa binata. Hindi n'ya rin alam kung bakit nanatili pa s'ya sa tabi nito gayong alam naman n'yang pinapaasa n'ya lang ito sa wala. Kung ano man itong nabubuhay na pakiramdam sa puso n'ya ay hindi n'ya binibigyan ng pansin. Dahil alam n'ya kung ano silang dalawa. Kung bakit s'ya pumayag na lumapit ito sa kanya. Kung bakit n'ya hinayaang mas maging malapit ang sarili n'ya dito. Kaya nga kahit kailan ay hindi n'ya lubos naisip na possibleng makilala n'ya ang pamilya nito. Maya-maya pa habang naghihintay sa pag labas ng ginang mula sa loob ay hindi n'ya naiwasang makaidlip at nang magising ay hindi pa rin ito lumalabas. Binuksan n'ya ang radio ng kotse at saktong-sakto ang balita. 'Mrs. Rodriguez, natagpuang patay sa loob ng opisina nito, at ang bulaklak na nakaturok sa lalamunan nito ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ni Mrs. Rodriguez at hindi naman lingid sa ating kaalaman na isang tao lang gumagawa nang ganitong estilo sa pagpatay. Pinaghihinalan at ang itinuturong pumatay sa mag-ama ng biktima ay walang iba kundi ang kilala na si JADE, ang s'yang salarin...." Napangisi at napailing s'ya sa narinig na balita. Wala na ba silang ibang pwedeng pagbintangan? Kung gano'n pala lahat ng tao pwedeng patayin ang mga kaaway nila at kapag nag-iwan sila ng itim na rosas, abswelto na sila dahil ang suspect ay si JADE. What kind of media this country have? Toxic people plus toxic media equals mess. 'Hindi ko na alam kung saan na ako tatakbo ngayon. I lost my dad, next my brother, now my mom. I don't have anyone with me anymore. I don't know. I don't know where to hide or if I really can hide, I don't have any idea why all of these are happening. I'm asking for help, I'm seeking justice, I'm begging, for my family' sabi nang babae sa radio. Probably the bunso of the Rodriguez family. So this JADE attacked again. Hindi talaga ito natatahimik. At kung titingnan ang lahat ng anggulo sa mga ginawa nito. Pinunterya nito ang mga taong nasa gobyerno. Hindi ba nila nakikita 'yon? Napaayos s'ya ng upo nang makitang n'yang lumabas ang ginang at kasunod nito ang anak. Suot nito ang uniform na pang-pulis. Nagsusumigaw ang katotohanang isa itong alagad ng batas. Nagsusugpo ng mga taong gumagawa ng mga bagay na labag sa batas. Inihilig n'ya ang ulo at lumabas ng driver's seat para sumalubong sa mga ito. Agad lumapad ang ngiti ng dalawa ng makita s'ya. Humagikhik ng mahina ang ginang pero dinig n'ya naman 'yon saka s'ya nilampasan at dumiretso sa loob ng back seat. "Hi...." pagbati ng binata sa kanya at binigyan s'ya ng isang halik sa ulo. "Bakit hindi ka sumama kay mommy sa loob? Sorry, nagulat ka daw sa pagdating n'ya. Hindi ko rin alam na pupunta s'ya eh. That's very rare," pagpapaliwanag nito. At na i-chismis na pala agad ng nanay nito ang nangyari kanina. Nginitian n'ya lang ang binata. "Sorry din, di ko agad s'ya pinapasok 'di ko naman kasi s'ya kilala," paliwanag n'ya pabalik. "It's fine, and I love the kare-kare, amoy palang alam ko ng ikaw ang nagluto, sana sumama ka sa loob para sabay tayo kumain," may himig nang pagtatampo ang boses nito. "Busog pa rin naman ako at saka hindi naman talaga ako pumupunta d'yan para dalhan ka ng pagkain, wala naman talaga akong balak pero mapilit 'yong nanay mo eh," nakanguso n'yang sabi. "Hindi pa pala kita pormal na naipakilala kay mommy.... " agad itong lumapit sa sasakyan at kinatok ang bintana kung nasaan ang nanay nito. Mabilis pa sa alas kwatro itong lumabas. "Yes?" nakangising tanong nito sa kanila. Bakit pakiramdam n'ya may ginawa itong hindi n'ya magugustuhan. "Babe, this is my mom and mom this is Jaq," pagpapakilala ni Earl sa kanilang dalawa. "Ah, you're girlfriend." "I wish," bulong ng binata kaya pino n'ya itong kinurot sa tagiliran. "Tara na po?" baling n'ya sa ginang na kanina pa hindi nawawalan ng ngiti. Humarap s'ya sa binata at kumaway. Matamis na ngiti naman ang ipinukol nito sa kanya at hinalikan s'ya noo bago pumasok sa driver's seat. Yumuko pa ito para masilip ang ina na nasa likuran at kumaway dito. "He's so handsome, isn't he?" dinig n'yang sabi ng ginang sa likod n'ya habang kumakaway sa anak. Nakapamulsa ang binatang nakatingin sa kanila habang umaatras ang kotse n'ya palabas ng parking area hanggang sa hindi n'ya na ito makita mula sa salamin. "Ihahatid ko na po ba kayo sa penthouse?" magalang na tanong n'ya dito. "No, just drop me by in Sorreal's Spa. I think this day needs to get pampered," masayang sabi nito. Sorreal's Spa, 'yan ang spa ng ninang ni Kara kung saan sila laging libre. Matagal-tagal na nga pala s'yang hindi nakakapasok dito pero hindi s'ya babalik ngayon na kasama ang nanay ni Earl. No way! "Sa mall po ba?" "Yes please, I'll go directly shopping after," sagot nito. Mukha talaga itong nanalo sa lotto ngayon araw. Kanina pa ngumingiti at halata talagang masaya. "Hihintayin ko pa huh ba kayo?" tanong n'ya at nasundan ng taimtim na dasal na sana hindi. Pinag-cross nya pa ang mga daliri. "No need, you can go after. Thank you so much for today, Jaq. I'll see you again," sagot nito at bumaba na ng sasakyan nang ma ipark n'ya ito sa tamang babaan. Hindi na s'ya nag-aksaya ng oras at pinaandar ang sasakyan n'ya pauwi sa bahay n'ya. Gusto n'yang matulog ulit. Masakit ang ulo n'ya. Pagdating n'ya sa bahay n'ya ay saka n'ya lang napansin na may text pala ang binata. Major: Please call me when you get home. Agad n'yang ti-nap ang number nito at tinawagan. Nakadalawang ring na pero walang sumasagot siguro ay busy na ito kaya hindi na s'ya naghintay pa at pinatay ang tawag. Mag text nalang s'ya dito. Jaq: Got home, matutulog ako. Alas 8 na ng gabi nang magising s'ya at kumakalam na ang sikmura n'ya. Bumangon s'ya at naghilamos pagkatapos ay naghanap ng pwedeng makakain sa kusina n'ya. Napakamot s'ya ulo nang makitang wala na nga pala s'yang stock na gulay at karne kaya ngayon ay mauuwi s'ya sa delata. Mabuti pa sa bahay ni Earl nakapag grocery s'ya pero sa sarili n'yang bahay ay hindi. Kahapon naman kasi sana ang balak n'ya kung hindi lang nagyaya ang mga 'yon na mag-inom. Pass out naman. Tiningnan n'ya ang cellphone walang kahit na anong text oh kahit kaninong text ang dumating. Nitong mga nakaraang buwan. Umiikot nalang yata s'ya sa bahay, school at sa bahay ni Casper ang galaw n'ya. Hindi na rin s'ya nakagala simula nang maging graduating s'ya at umalis si Kara at no'ng nakilala n'ya si Earl. Napalingon s'ya sa mesa nang mag tumunog ang phone n'ya. Akala n'ya si Earl at napatawa s'ya ng pagak nang pangalan ni Lyka ang bumungad doon. "Yep," she answered popping the letter 'p' "Hey Jaq, kamusta ang pakiramdam mo? Wala ka na pag gising namin ni Demi," umikot ang mga mata n'ya sa ere habang nagigisa ng sardinas sa sibuyas. "Okay lang naman ang pakiramdam ko, maayos. Kayo? Kamusta pakiramdam n'yo? Lakas n'yo pala uminom," she said mocking Lyka. Narinig n'ya ang pag-angal nito sa kabilang linya. "Ano ba 'yan! Wag mo na banggitin, maliit na bagay," dinig n'yang boses ni Demi sa background. "Ay oo nga pala Jaq, makakapunta ka ba ulit dito ngayon? May ipapakita kami sa 'yo," ani Lyka. "Okay," sagot n'ya saka pinatay ang tawag. MALAPAD ANG ngiting sumisilay sa labi ni JADE habang natingin sa babaeng naglulupasay sa iyak. Hindi lang ganyan ang inabot n'ya noon, kaya kulang pa yan, wala pa sa kalingkingan ang lahat ng luhang nailalabas ng mga taong 'to. Hindi pwede isa lang, hindi pwedeng isang pangalan lang ang magbabayad gayong pinagtutulongan nilang gawin ang ginawa nila noon. "Naniningil lang naman ako, anong drama mo," aniya kahit alam n'yang hindi s'ya nito maririnig. Nakita n'ya kung paano ito alalayan ng mga taong nakapaligid dito. "Maswerte ka pa rin," "Wag kang kikilos ng masama," agad n'yang itinaas dalawang kamay kahit na nakatalikod pa s'ya. Dahan-dahan ang pag-ikot para makita ang kung sino ang taong ito na malakas ang loob na lumapit sa kanya. May sa pusang mata ba ang lalakeng 'to at nakita s'ya sa dilim? Paglingon n'ya ay kitang-kita n'ya ang sumalubong sa kanyang seryosong mukha ni Lt. Lopez. "Good evening, Lt.," sarkastikong sabi n'ya. Umigting ang panga ng lalake at gumalaw ang mga daliri habang hawak-hawak nito ang baril na nakatutok sa kanya. "Isang maling galaw, sasaluhin ng katawan mo ang balang manggagaling sa baril na hawa ko," seryoso at matapang na sabi ng binata. "Sa tingin mo Mr. Lt., hindi kita kayang takasan?" nanghahamong sabi n'ya dito at mas lalo pang naging seryoso ang mga mata nito. Magagaling kang mamili ng tao Mr. Major. Alam n'yang hindi rin biro ang kakayahan sa pakikipag laban ng isang 'to. Pero kung si Major San Diego ay maraming beses na n'yang natakasan. Ang isang 'to ay sisiw nalang sa kanya. Tinanggal nito ang isang kamay sa hawak nitong baril at sinubukang kunin ang radio nitong nakasabit sa bewang. Isang kisap matang counter clockwise ang ginawa n'ya sa buong katawan and true to his word, isang galaw n'ya ay puputok ang baril na hawak nito. But it's always her luck, hindi tumama sa katawan n'ya ang bala gaya ng sabi nito. Mataas ang talon n'yang inabot ang dulo ng 'di gaanong mataas na kawayan at sumabay sa duyan nito bago bumitaw at mapitik s'ya nito sa kabilang bakod. "Hindi mga kagaya ninyo ang makakatapos sa 'kin. Mahaba pa ang listahan ko, maniningil pa ako, marami pa kayong trabaho, Mr. Policemen," aniya saka iniwan ang lugar na 'yon. NAKATITIG LANG si Jaq habang isa-isang nilalapag ni Demi ang mga magazine kung saan daw s'ya pipili ng gown. Pinapapili na s'ya ng mga 'to pero hindi n'ya pa alam kung saan n'ya gagamitin. "Bakit ba ako pipili ng gown at ngayon pa talaga agad? May rush party ba kayo?" tanong n'ya sa mga 'to na nakatingin sa kanya at naghihintay na gagawin n'ya ang mga inutos nito. "Casper, come here," pagtatawag ni Demi sa binata na papaakyat sana ng hagdan. Kumunot ang noo nitong nakatingin sa kanila at lumapit din naman. "Kung makatawag ka sa 'kin para kang nagtawag ng aso ah," inis na sabi nito sa dalaga. Nagtawanan lang naman ang mga babae habang si Casper ay lalong mas sumungit ang mukha. "Ginising ako ng tawag ni mommy from Europe kanina just to inform us that thanksgiving party is not postponed. Matutuloy ang party but private, this time, hindi i-a-a-anounce sa public na may party, instead, sasabihin ng Ayala family na walang party this year, at bakit ngayon tayo pipili ng gown? Because the party is in 3 days. So, this is beyond rush," mahabang paliwanag ni Demi at kinikilig pa at gano'n din si Lyka. Habang si Jaq, isang ghost smile ang pilit kumakawala sa nga labi n'ya kaya s'ya tumikim. "O-okay, but I'm not coming," nag-ala mata ng tarsher sa laki ang mga mata nilang tatlong napatingin sa kanya. Na para bang tinuboan s'ya ng siyam na ulo. Mukha bang kagulat-gulat ang sinabi n'ya? "Sino ang date ni kuya Earl kapag hindi ka sasama?" malungkot na sabi ni Demi sumunod naman kaagad si Lyka sa pagsasalita. "Panigurado pa naman na nando'n si kuya Earl at ang team n'ya for safety," nakangusong sabi saad ni Lyka. Tumingin s'ya kay Casper habang nakataas ang kilay. Umatras ang binata at tinuro ang sarili. "Bakit pati ako? Di ako katulad nilang ma-drama, teka nga, tinawag-tawag n'yo 'ko maliligo pa ako eh," reklamo nito at walang pasabing tumalikod at tumakbo paakyat. Hindi pa s'ya nakapag salita ay agad umilaw ang cellphone n'ya dahil may tumatawag. Nakapatong ito sa mesa kaya kita nilang lahat ang unregistered number na tumatawag. Kumunot ang noo n'ya dahil hindi ito familiar, tumingin s'ya sa dalawang kasama at tumango ito para sabihin na sagotin n'ya. Qoutang-qouta ang cellphone n'ya sa mga tawag today ah. ("Hello, Jaq. This is tita Marife----") nanlaki ang mga mata n'ya sa narinig kaya agad n'yang nailayo sa tenga ang cellphone at tiningnan ulit ang numero. Kaya pala hindi n'ya talaga kilala. "Tita Marife," nakangiwing sagot n'ya dito. Bakit naman kaya ito tumatawag at saan nito nakuha ang number n'ya? Halatang na surprise din ang dalawang kasama n'ya pero sabay din namang sumigaw. "Tita Marifeeee," parehong sigaw ng dalawa at pareho pang lumapit sa kanya para maki chismis kaya nilagay n'ya nalang sa loud speaker ang phone. ("Who's with you Jaq?") dinig nila ang pagtataka sa boses mula sa kabilang linya. "Tita this is Demi..." pakilala ni Demi "Also, Lyka's here," dagdag pa nito. "Hi tita, it's me Lyka," pagsingit ni Lyka. Hindi na s'ya nakapag salita at sumandal nalang s'ya sa sofa. Habang ang dalawang babae ay halos ingudngod sa cellphone n'ya ang mga mukha nito. "OMG! You knew Jaq?" halata ang biglang excitement nito sa boses. "Yes, tita, she's with us, we were looking for a gown, but she refused the invitation," pagsusumbong ni Lyka at kumindat pa sa kanya. "What?!" eksaheradang reaction mula sa ginang. "Nooo, Jaq, baby, I called to inform that I found someone to make your gown. You're my boy's date," pabebeng sabi nito. Hindi n'ya talaga maisip kung bakit ganyan ka pabebe at kagalawgaw ang nanay ng binata. Kung titingnan kasi si Earl para s'yang anak ng mga kontrabidang magulang sa drama. "Don't worry tita, we'll make her come to the party," paniniguro ni Demi. "Really? May gift kayo sa akin pag napapunta n'yo ang future daughter-in-law ko, please choose the best gown for her, thank you ladies, I'll call your moms about this," humahagikhik sa excitement na sabi nito saka binaba ang tawag. Napahampas nalang si Jaq sa noo sa mga pinagsasabi ng mga 'to. Dagdagan pa ng nanay ng lalakeng 'yon. Hindi naman kasi s'ya mahilig sa mga party ng mga sosyal. "Ngayon, wala ka nang kawala," kumikindat na sabi sa kanya ni Lyka at kinuha ang mga magazine sa mesa at pinatong sa lap n'ya. Paano ba s'ya magiging date ng lalake eh hindi naman s'ya tinanong para maging date. "Teka lang girls, hindi naman ako tinanong ni Earl na maging date n'ya baka may ibang ng tinanong 'yon," pangungumbinsi n'ya sa mga 'to. "Sino? Wala ng ibang babae na pwedeng maging date ng isang Major Earl San Diego bukod sa 'yo no," maarteng sabi ni Demi at hinawi pa ang buhok nyang nakapatong sa dibdib n'ya. "Si Annie," nakangising sabi n'ya. "Ano ka ba Jaq! Wag ka ngang magsalita ng masama!" may pag-irap na saway ni Lyka sa kanya. "Alam mo 'wag ka nang maraming sinasabi dyan dahil sa gusto man oh sa gusto ni kuya Earl wala na s'yang magagawa si tita Marife na mismo ang pumili sa 'yo para maging date n'ya. Kaya dapat maganda ka sa gabing 'yon!" pinitik ni Demi ang daliri nito sa hangin sa tuwa. "Si Lizie," pagbanggit n'ya sa isang magandang babae na possibleng magugustuhan din naman ng binata pero nakakapagtaka na parang wala man lang interest ang dalawa sa isa't-isa. Humaba ang nguso n'ya sa naisip. "Edi nagsuntukan na si kuya Earl at ang fiance ni ate Lizie," natatawang sagot ni Demi. Gulat s'yang napatingin sa dalawa. "May fiance s'ya? Bakit hindi natin nakita no'ng nagpunta tayo sa wake ng daddy n'ya?" curious na tanong n'ya. "Oo naman no, 'yong gano'n kaganda tingin mo walang magkakagusto do'n? May nag p*****n na nga dati dahil lang nila kay ate Lizie," natatawang sambit ni Lyka. "Nagpapatayan?" "Oo, graduating si ate Lizie no'n sa college, tapos isang araw nagulat nalang kami na may nabalitang dalawang lalake nag-away at nasaksak ang isa dahil sa galit sa isa't-isa nang malaman na gusto nila pareho si ate Lizie, ayon gulat s'ya, hindi n'ya alam na may gusto sa kanya ang dalawang 'yon eh," paliwanag nito na tinanguan n'ya. At kaagad parang hinila ng itim na gown ang atensyon n'ya kaya itinuro n'ya 'yon, napasigaw sa tuwa ang dalawa. S'ya naman ay sumilay ang ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD