NAPASINGHAP ANG mga taong nakatutok sa mga tv nila nang napanood ang balitang natagpuang patay sa sariling pamamahay ang bunsong anak ni Mr. Rodriguez, hinihinalaang nagpakamatay. Hindi pa limot ng mga tao ang sinapit ng pamilyang ito, kung paano isa-isang pinapatay ang myembro ng pamilya nila, kaya ang iniisip ng mga ito ay baka hindi na kinakaya ng bunsong Rodriguez ang lungkot at sakit sa sinapit ng pamilya nito. Marami ang nakiki-simpatya ngunit may isang natutuwa. Hindi akalain ng marami na sasapitin ito ng pamilya Rodriguez. Nagngingitngit naman sa galit ang pamilya Ayala dahil sa balita. Hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya para sa Padre De Pamilya nila at hindi pa rin nahuhuli ang sikat na kriminal na si JADE. Wala sa sarili si Earl habang nag-rereport ang isang Police ba

