SA HULING sulyap ni Jaq sa bahay hindi n'ya na plinano kung ano ang gagawin ito, kung mabubulok man ito, mabulok na, dahil wala s'yang balak galawin ang bahay na ito. Ang bahay na nasa tagong bahagi ng Manila kung nasaan ang daan na komokonekta sa bahay n'ya sa ilalim ng lupa ay mas makakaya n'ya pang pasukin kaysa sa bahay na ito. Kung may magkaka-interes man sa lugar na ito ay bahala na sila, sa kanila na. Hindi n'ya na ito kailangan. "Bakit n'yo tinitingnan ang bahay na 'yan? Interesado ba kayo d'yan? Nasa kulongan ang may-ari n'yan hija." napalingon s'ya sa kanang bahagi nang marinig ang mga salitang 'yon. Familiar ang mukha nito pero hindi n'ya matandaan kung sino ito. "Mukhang inabandona na 'yang bahay. Wala na ba talagang tumitingin d'yan?" pagtatanong n'ya kahit na alam n

