HANGGANG SA makabalik sila sa bahay ni Tanda sa gitna ng bukid ay hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman ni Jaq nang malaman ang dahilan kung bakit nag send ng emergency alarm si Tanda sa kanya. Ayaw mawala sa isip n'ya ang nangyari sa usapan nalang apat sa yate. "So why am I here?" tanong n'ya kay Tanda na parang walang pakialam ngayon na s'ya ang kinakausap ng dalawang Resnikov. Tumingin ito sa kanya at tumaas ang kilay na para bang sinasabi nito kung ano ang tanong n'ya dahil hindi nito 'yon narinig. Matalas ang pandinig nito kaya tumikhim ito pero 'wala pa rin s'yang nakuhang sagot mula sa matanda na ito. "My son told me that The Great Mr. Torres has a cool pet," nakangising sambit ni Senior Resnikov. Naningkit ang mga mata ni Jaq sa narinig. She heard it right, right

