04

1045 Words
Nagkaroon ng emergency meeting sa kapitolyo at kinailangang umalis si Jordan at iniwan pa talaga ako dito sa kakahuyan. Makulimlim ang kalangitan dahil may nagbabadya na bagyo. Gusto kong kalmutin sa pagmumukha si Jordan dahil alam niyang may bagyo na paparating at dito pa sa probinsiya namin magla-landfall ang bagyo tapos iniwan ako dito?! Mabuti na lang at may internet dito at malakas ang reception ng TV, kaya hindi ako nahuhuli sa balita kahit na malayo ako sa kabihasnan. I looked around at mukhang matibay naman ang pagkakagawa ng bahay, kaya malakas ang loob kong hindi ako maitatabon ng buhay dito. Wala ring puno na malapit dito, kaya walang matutumba kung sakali. There's an emergency light and power storage in this house. Ibinilin naman ni Jordan sa akin ang lahat, kaya wala raw akong dapat alalahanin. Sadyang praning lang talaga ako minsan. I gasped when I saw Jordan, my husband on a TV, he looks so fine! I married the finest man in town. Hindi ko mapigilan na hindi mapangisi dahil kahit anong gawin ng iba, kasal na kaming dalawa. He is getting interviewed about the preparation and solution for the calamity. "As of the moment, katatapos lang ng meeting with the disaster risk team and other local officials, we are prepared in all aspects. Nakahanda na rin ang mga evacuation centers per barangay dito sa ating probinsiya, our relief goods are ongoing procurement, financial assistance to affected families, and lastly, our transport vehicles. Ang gagawin na lang ng mga kababayan natin ay maghanda sa paglikas. No lives should be left behind," Jordan said. I clapped because he delivered his words well. He may be an asshole sometimes but his heart is in serving the public. "Pinaghandaan talaga ninyo ang paparating na kalamidad," sabi ng isang reporter and he smiled. That kind of smile that made my heart leap. "Preparedness is one of our defence mechanisms to avoid casualties. Also, be vigilant. Maging alerto lang po tayo sa announcement and sirens," sabi niya at umalis din siya dahil agad siyang tinawag ng kaniyang bise. Napanguso ako at naging busy na naman siya. I charged my phone and my spare phone and my power bank. Nagluto na rin ako ng panghapunan ko at alam ko namang malabo na uuwi iyon dito dahil nakatutok lang siya sa opisina nila nang magdamag. Habang nagluluto ako, tumunog nang malakas ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag, kaya pinatay ko muna ang kalan para sagutin iyon. It's Jordan. "Hello, Governor." "My men will pick you up para doon ka muna sa bahay ni Papa. You're alone there," "Hindi ba nakakahiya doon? Sa bahay na lang muna ako ni Mama. Wala ka doon, Jordan. The last time na nagpunta ako doon puro kahihiyan lang," sabi ko at napanguso pa ako. "Mama will be evacuated to one of the centers. I cannot let you stay there, ano na lang sasabihin ng mga tao?" He sounded frustrated, kaya itinigil ko na at sumang-ayon na lamang sa kaniya. "They will be there in an hour. I'll send you the plate number of the car, bring enough clothes for yourself and your things. Baka matagalan pa ang pag-uwi mo diyan." "Noted, Governor," I sarcastically said. He hung up the phone kaya inambaan ko ito ng suntok bago kumaripas ng takbo papunta sa kusina dahil babaunin ko na lang itong niluto ko. Agad din akong nag-empake at hinugot ang mga nakasaksak, saka ni-lock ko ang mga bintana at ibinaba ko ang bawat kurtina. Ilang sandali pa ng paghihintay, dumating din ang sasakyang pinadala ni Jordan. Lumabas ang dalawang lalaki. Sila nga ang pinadala niya dahil maski picture at details nila ay sinend niya sa akin. "Good evening, Ma'am. Kami po ang inutusan ni Governor na susundo sa iyo," sabi ni Robert. "Kunin ko na ang mga gamit mo at makaalis din tayo dito bago pa mag-landfall ang bagyo," sabi naman ni Chris. "Magandang gabi sa inyo, Sirs. Thank you dahil pinuntahan niyo ako dito despite the danger," sabi ko sa kanila at napangiti naman sila. "Ito po ang tungkulin na sinumpaan namin, Ma'am," nakangiting sagot ni Chris sa akin kaya napatango ako. I turned off the light at ibinaba ko na rin ang breaker para walang kuryente na dadaloy dito sa loob ng bahay bago iwanan. Pinagbuksan naman ako ni Robert ng pintuan. "Thank you," I said. Agad din naming nilisan ang lugar at nagsimula nang bumuhos ang ulan at may hangin pa na dala. I informed my mother and husband. "Pwede bang dumaan muna tayo saglit kina Governor? Bibigyan ko lang siya ng pagkain niya," sabi ko sa kanila at pumayag naman sila. "Sige, Ma'am. Mapihikan pa man din si Boss pagdating sa mga pagkain kaya palaging may nakaimbak na de lata at biscuit sa opisina niya," sabi ni Chris kaya napatawa ako nang mahina. Alam ko iyon dahil ako mismo ang bumibili ng mga iyon, inuutos niya sa akin. Palakas na nang palakas ang ulan, kaya mabuti na lang nakalabas na kami sa gubat na iyon. Madaming nakaparadang sasakyan sa kapitolyo. "Huwag na kayong bumaba dahil saglit lang ako," bilin ko sa dalawa ngunit hindi nagpatinag si Chris. "Samahan na lang po kita, Ma'am. Kabilin-bilinan ni Boss na hindi ka pwedeng mawaglit sa mga mata namin, si Robert na lang magbabantay dito," sabi niya kaya pumayag na lang ako. Papayungan na sana niya ako pero tumanggi ako at kinuha ang isang payong na dala niya. Malakas na rin ang hangin pati ulan na dala niya kaya nabasa rin ako, bitbit ang lunch bag ay nagtungo ako sa opisina niya. Pinagtitingnan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. I saw Stevevn, his secretary. "Nasa conference room siya at mino-monitor ang lagay ng bagyo, Ma'am," sabi niya sa akin. I nodded. "Ilagay ko na lang sa table niya ang lunch bag na ito, pakainin mo ang amo mo ha," bilin ko sa kaniya at sumaludo naman ito sa akin. "Masusunod, Kamahalan," sabi niya kaya pabirong inikutan ko siya ng mga mata. I texted Jordan when I left the capitol, hindi na ako nagpakita sa kaniya dahil baka bugahan pa ako ng apoy. Sumilip ako sa conference room at walang nakapansin sa akin, seryoso ang mukha niya habang nakikinig sa forecast ng weather observer ng probinsiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD