Funny of me to assume that the Mayor is here too. Wala rin siya dito at nasa Munisipyo, nagbabantay din siya para sa buong Municipality.
Nasa puso talaga nila ang pampublikong serbisyo. Idagdag mo pa na galing sila sa mayamang pamilya mula sa Spain.
Their family runs businesses in different parts of the world at pinili pa rin nila na manatili dito sa probinsiya namin upang magsilbi.
"Gwyneth, kumain ka na ba? Ipagluluto ka namin, ano ang gusto mong ulam?" tanong ng kumadrona sa akin ng tahanan na ito.
Simula nang dumating ako dito kanina napansin ko ang pagka-ilag ng mga kasambahay at driver na nandidito. Alam nila ang tungkol sa amin ni Jordan at kung paano kami nabisto ng kaniyang ama.
"H-Hindi pa po ako kumain, Nay. Kahit ano na lang po ang meron diyan sa kusina," sagot ko naman sa kaniya at tumango siya saka ngumiti nang kaunti.
Habang hinihintay kong matapos ang niluluto nila, tinawagan ko naman si Mama.
"Mama, kumusta kayo diyan? Naka-ready na po ba kayo?" tanong ko sa kaniya mula sa telepono.
"Ayos na ayos lang kami dito ng pinsan mo, anak. Ikaw ba ay nasa maayos at ligtas na lugar ka ba?"
Nakahinga naman ako nang maluwang dahil sa nalaman ko sa kaniya.
"Nandito ako sa bahay ng mga Dela Cerda, Mama. Dito ako dinala ni Jordan pansamantala habang bumabagyo."
"Mabuti naman kung ganoon. Nandito ang mga ilang tauhan ng munisipyo para i-evacuate raw kami."
"Yes, Mama. Sumama na lang po kayo sa kanila para sa kaligtasan niyo rin."
"Oo, anak. Mabuti na lang tinulungan ako ng ilang kapitbahay natin sa pag-angat ng mga appliances natin dito."
Napangiti ako sa kaniyang tinuran hanggang sa marinig ko ang katok ng ilang rescuer na maglilikas sa kanila dahil flood-prone kasi sa barangay namin. Nakahinga ako nang maluwang dahil alam kong ligtas sila.
"Nandito pala ang oportunistang kagaya mo, Gwyneth. Nakakatuwa maski ang kalikasan ay tutol sa naging kasal ninyo ni Jordan," sabi ni Stella na kapapasok lang at tila basang sisiw pa siya.
Stella is one of the daughters ni Nanay Sheila, ang kumadrona ng bahay na ito. Mataas ang tingin niya sa sarili dahil inaanak siya ng mismong Mayor at matagal nang may pagtingin kay Jordan.
Isa siya sa mga babaeng umiyak bago ang kasal namin kinabukasan, she begged me to run away from our wedding. Hindi ko kayang gawin iyon sa pamilyang Dela Cerda.
"Ang importante kinasal na kami ni Jordan," sumbat ko sa pangungutya niya at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. "Kung hindi lang kayo nahuli ni Ninong, hindi kayo papakasalan ni Jordan. Nahuli niya kayo sa nakakahiyang estado," sabi niya sa akin at ngumisi naman ako.
"Stella, hindi kita pinapatulan noon dahil pareho lang tayong anak ng mga katulong nila. Pero ngayon na asawa ako ng amo, automatically, amo mo na rin ako. Know your place, Stella," sabi ko sa kaniya at gusto ko tuloy tumalon sa tuwa dahil kitang-kita ko ang galit niya para sa akin.
"Poor, Stella. You kept throwing yourself on Jordan pero anong ginawa niya? He ran towards me," I said and mockingly smiled at her.
Napaluha tuloy siya sa galit. Hindi totoong tumakbo sa akin si Jordan pero alam ko ang chismis na iyon na umiikot sa bahay na ito pero dahil sinimulan ako nitong si Stella. Papatulan ko siya.
"May araw ka rin sa akin, Gwyneth! Balang-araw papaluhain ka ni Jordan! Sa tingin mo pinakasalan ka niya dahil mahal ka niya? Nagkakamali ka!" sabi niya sa akin sabay duro.
Aminado akong nasaktan sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita na sinampal ako ng katotohanan na iyon.
"Saksi ako kung paano siya magluksa sa pagkamatay ni Janna. Nakita ko kung paano namatay at ibinurol ang puso niya kasabay ni Janna. Kaya huwag kang maging mayabang dahil alam natin pareho ang totoo," dagdag niya.
I just smiled at her and raised my chin. "It doesn't matter," sabi ko sa kaniya.
Ngumisi siya sa akin sa kabila ng mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. "Mananatili kang multo ni Janna, Gwyneth," sabi niya sa akin at parang dinurog ng paulit-ulit ang puso ko dahil doon.
"That's none of your business, Stella. It is mine to deal with it," sabi ko na lang at tumalikod para magtungo sa dining area, iniwan ko siya doon sa living room na manginig sa lamig at galit.
Kaya kong labanan lahat ng tao dahil tinuruan ako ni Mama na huwag magpapaapi sa iba ngunit hindi ko kayang labanan ang isang bagay na iyon; ang puso ni Jordan.
Hindi lingid sa kaalaman ko na ginagamit lang ako ni Jordan para sa pansariling interes niya at ako naman isang dakilang tanga ay pumapayag sa kagustuhan niya.
"Kumain ka na, Gwyneth. Mahaba pa ang gabi dahil papasok pa lang sa atin ang bagyo," sabi ni Nanay Sheila habang inilalapag sa harapan ko ang kaniyang nilutong ulam.
"Salamat, Nanay."
"Ako na ang humihingi ng pasensya sa sinabi ni Stella. Nadala lang siya sa bugso ng kaniyang damdamin, mabait si Stella. Hindi ba't kababata mo siya?" sabi niya sa akin at napangiti na lang ako nang pilit.
"Huwag kang mag-alala, Nanay. Nakaganti naman ako sa kaniya kaya wala na iyon sa akin," sabi ko, na ikinatawa niya nang mahina.
Iniwan din niya ako para hayaan kong kumain, pero bawat lunok ko ay sumasakit ang lalamunan ko at nagtutubig ang mga mata ko.
Because right now, I feel so unwanted in this house. Saksi rin ang apat na sulok na ito kung gaano kasaya sina Janna at Jordan habang kumakain dito sa hapagkainan.
Naalala ko dahil isa rin ako sa nagtatago sa isang banda habang pinapanood silang dalawa ni Jordan. I was in my first year of college at that time and they were working adults. Masaya rin si Mayor na panoorin ang kaniyang anak na masaya sa piling ng babaeng mahal niya.
Maganda si Ate Janna, galing din siya sa marangyang pamilya sa kabilang bayan at may family business sila sa agriculture. Mabait din siya at madaling lapitan. Hinding-hindi niya ipaparamdam sa iyo kung gaano kalayo ang agwat ninyong dalawa.
No doubt why Jordan loved her that much. He buried his heart alongside hers kaya hanggang sa namatay si Ate Janna, wala ni isa nakasungkit sa mailap na puso ng batang Gobernador ng aming probinsiya.
I smiled bitterly as I wiped the tear that escaped from my eyes. Alam kong masarap ang luto ni Nanay Sheila pero mas lalong naging mapait ito.