06

1152 Words
Umakyat ako sa kwartong inilaan para sa akin dito sa bahay ng alkalde ng aming bayan. Hindi ito ang silid ni Jordan dahil mahigpit na bilin nitong walang makakapasok kundi siya lamang. Guest room kung ituturing ito, ngunit kitang-kita ang karangyaan mula sa kulay gintong chandelier na nakasabit sa itaas hanggang sa makintab nitong flooring. Kung hindi ako nagkakamali, isang king-sized bed ang kama. Napabuga ako ng hangin. "Ano naman ang gagawin ko dito? Magpaikot-ikot habang bumabagyo?" sambit ko sa aking sarili. Napatingin ako sa kurtina na malaki at hinawi ko ito. There's a sliding door made of thick glass. Malakas ang hangin base sa nakikita kong pagsayaw ng mga puno nang marahas at pabugso-bugsong ulan. Nakaramdam ako ng takot at pangamba. Sana maging ligtas ang lahat. Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko at si Jordan ang tumatawag. "Hello. Good evening." "Gwyneth, itataas agad sa signal number 4 ang buong probinsiya. Are you safe there?" Kumalabog ang puso ko nang husto at gusto kong tumili sa kilig dahil mukhang nag-aalala siya sa akin! I composed myself before answering. "I am. Mukhang gawa naman sa pinakamatibay na materyales ang bahay ng pamilya ninyo eh. Kaya magiging safe ako, kami dito. Eh kayo diyan?" "Of course. That house stood for centuries." Napangisi ako dahil pinagmayabang pa, pero naiintindihan ko naman siya at masaya akong kaya niya pa rin maging hambog dahil isa lang ang ibig sabihin noon: he's fine. "We're fine here. I'll come to you tomorrow." May sasabihin pa sana ako, kaso pinatay na niya ang tawag. Itong si Jordan, may pagkabastos din minsan dahil kahit halata naman na may sasabihin ako ay pinapatay na niya ang tawag kaagad. Kapag may time, tuturuan ko ito ng good manners and right conduct. Ang tanda na niyang tao pero hindi alam ang basic manners? I doubt. Pinatay ko ang aircon ng kwarto dahil bigla akong gininaw sa lamig at binuksan ko na lamang ang ceiling fan. I turned on the TV to be updated at napakurap ako dahil may mga naulat na mataas na ang level ng tubig sa ilang barangay. What shocks me more is that I saw my husband helping the rescuers to evacuate the people. Katatapos lang namin mag-usap kanina-kanina lang, diba? Bakit nandiyan na siya kaagad? "Nandito si Governor at siya rin ay tumutulong sa paglikas ng mga mamamayan. Sadyang nakakahanga talaga ang dedikasyon ng batang gobernador para sa kaniyang nasasakupan." Napangiti ako nang marinig ko ang komento ng isang reporter na nakabantay sa pangyayari. I bit my lower lip as I became uneasy. "Gwyneth? Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Nanay Sheila na sumilip. "Hindi, Nay. Hindi ko rin kayang matulog lalo pa't ganito ang pinagdadaanan natin. Dapat maging alerto tayo," sabi ko sa kaniya at napangiti siya. "Puwede bang pumasok at magkuwentuhan tayo? Halos dito ka na rin lumaki eh. Na-miss ko ang isa ko pang alaga," sabi niya kaya napangiti ako nang malapad. Tinapik ko ang tabi ko. Nakaupo kaming pareho sa sofa habang nanonood ng TV. Nakatutok lang sa malapad na screen ang mga mata namin. "Gwyneth, kumusta ka naman ngayon?" tanong niya sa akin. "Ayos naman po ako, Nay. Wala namang problema sa aming dalawa ni Jordan," sagot ko sa kaniya. Napatango siya at ngumiti sa akin nang katamtaman lang. Kinuha niya ang aking kamay na may singsing at pinaikot-ikot niya ito na tila pinaglalaruan. "Napakagandang singsing at bagay na bagay sa iyo, Gwyneth. Nang makita kayo ni Don Alejandro, nabuhayan siya ng pag-asa dahil alam niyang hindi tatanda nang mag-isa ang unico hijo niya, sabi niya, kaya agad namula ang mukha ko. "Sus, Nanay! Nagalit po siya sa amin at pakiramdam ko pinahiya ko ang sarili ko sa kaniya," nakangusong pahayag ko na ikinatawa niya. "Sa tingin ko, normal iyon na reaksyon ng isang magulang. Takot siyang mailagay sa alanganin ang reputasyon ninyo, ang pangalan at dignidad ninyo. Gwyneth, maliit lamang ang probinsiya kaya hindi maiiwasan na kayo ang maging balita," sabi niya at napatango ako dahil naiintindihan ko ang punto niya. "Sana huwag mong masamain ang reaksyon ng Don nung gabing iyon. Kaya huwag mo rin isipin na hindi ka welcome sa bahay na ito; dito ka na rin halos lumaki," sabi niya at tila natutunaw naman ako sa boses niyang maalumanay habang hinahaplos ang kamay ko. "Hindi naman po, Nay. Sa katunayan, nahihiya po ako sa inyong lahat. Alam kong malaking gulat ang nalaman ninyo tungkol sa akin. Mas lalong hindi niyo rin inaasahan na ikakasal ako at kay Jordan pa," sabi ko sa kaniya. "Pinakasalan ka ni Jordan dahil may nakita siya sa iyo bilang isang babae at isang tao sa kaniya. Gwyneth, huwag mong pagdudahan ang sarili mo," sabi ni Nanay Sheila sa akin at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok. Hindi nagtagal ay umalis na rin si Nanay Sheila dahil inaantok na siya. Napangiti naman ako dahil sa naging pag-uusap naming dalawa. Tumunog ulit ang cellphone ko at si Don Alejandro ang tumatawag kaya bigla akong nakaramdam ng nerbiyos. Kasinglakas ng kabog ng dibdib ko ang bawat hampas ng hangin sa glass wall. "Gwyneth, ayos lang ba kayo diyan? Umalis ka muna diyan sa guest room dahil glass wall ang nandiyan; baka mabasag at masugatan ka pa." Napakagat-labi ako dahil may isa rin na nag-aalala sa kalagayan ko. "M-Mayor, okay na okay na po ako dito. Hindi naman mababasag ang salamin dahil mukhang matibay naman ito." "Hindi natin masisiguro iyan, Gwyneth. Lumipat ka muna sa kwarto ni Jordan, mas ligtas ka doon." "H-Hindi. Ayos lang po ako dito, Mayor. Maraming salamat na lang po." "For once, Gwyneth. I am not your Mayor, I am your father-in-law; legally and binding. Call me Papa." Nanginginig ang labi kong sinambit ang salitang iyon dahil buong buhay ko ay hindi ko nakilala ang aking ama at mas lalong wala akong kinagisnan na ama; tanging si Mama lang ang kasama ko. "Are you sure you're safe? Baka mag-away kami ni Jordan kapag may nangyaring masama sa iyo diyan." Natawa naman ako dahil sa tinuran niya dahil it's a ridiculous idea. Hinding-hindi ipapalit ni Jordan ang ama niya sa kung sino-sino dahil lang may alitan sila. "Sure na sure po, Papa. Matibay at malakas po ito." Narinig kong tumawa siya nang mahina hanggang sa ibinaba na niya ang tawag habang ako ay patalon na humiga sa kama at ginalaw-galaw ko ang mga paa ko. Sa wakas! May matatawag na rin akong Papa. Hindi ko namamalayan na palakas na nang palakas ang hangin hanggang sa may narinig akong natumbang mga puno sa labas ng bahay. Pupuntahan ko sana ang bintana upang silipin ito, pero nabasag bigla ang salamin. Nagkalat sa sahig ng kwarto ko ang bubog at tumalsik ang mga ilan sa katawan ko. Bigla akong nanghina dahil nakita ko ang dugo sa aking braso at hita hanggang sa aking mga paa. "A-Aray," tanging nasabi ko bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD