Chapter 88 "HE'S MY BOSS" BOOK 2 Gino's POV: Kahit anong pag-iinarte ang ipakita ni Airah sa akin, patuloy pa rin ako sa pagsuyo para makuha ko ulit ang loob niya. I promised to myself na kapag nahabol ko siya, hindi ko na siya susukuan at papakawalan pa. So I'm doing it right now. Ayoko kasing magsisi sa huli, once na manganak siya. Bali-baliktarin man ang mundo, anak ko ang batang dinadala niya. "Oh, pwede na kayong bumaba. Nasa bus stop na tayo.", bigkas ng driver sa amin. Ganito kabilis ang pagmamaneho niya kaya madali kaming nakarating sa Tabaco, Albay. Akma ko sanang aalalayan si Airah pababa ng bus, kaso tinabig niya ang kamay ko. "Wala akong kapansanan kaya hindi ko kailangan ang tulong mo.", masungit nitong saad. "Okay. But I will call the driver. Do'n tayo mag-sstay s

