Chapter 89 "HE'S MY BOSS" BOOK 2 Airah's POV: Nakasuot ako ng mask habang naka-upo sa katre. Pinapanood ko sa mga oras na 'to, ang paglilinis ni Gino. Yes, nagsimula na s'yang maglinis ng bahay dahil ito ang inutos ko sa kanya. Ang pagkakaiba nga lang, hinubad nito ang suot n'yang polo at ginawang mask ang panyo nito. Hindi ko alam kung paglilinis ba talaga ang pakay ng lalaking 'to, o gusto lang ako akitin. Pa'no, may nalalaman pang pakindat-kindat at macho dance sa harapan ko. "Pwede bang bilisan mo na 'yan? Kailangan mo pang magluto.", pagsisita kong sabi. "But my wife, wala ditong lutuan. Saan ba ako hahanap?", tanong niya sa akin. "Dis-kar-te.", pagpapaunawa ko rito. "Sabi ko nga, hehe. Sige, konting lampaso na lang at matatapos na ako neto.", bigkas niya at pinagpatuloy a

