ALEXANDRA KATE POV Isang buwan ang lumipas... "Ma'am ano ang gagawin ko sa lalaking 'to?" Tanong ng bodyguard ko. Siya ang nakabantay saakin kapag umaalis ako sa mansyon. At isa pa kasama ko siya sa mga plano paghihigante ko sa mga taong pinatay ang pamilya at anak ko. "Kill him," malamig na utos ko. Isa ako sa naghihigante para sa pamilya at anak kong nawala ng dahil sa kademonyohan nila. Galit ako at hindi iyon kailan man kukupas. Ang galit ko sa kanila ay panghabang buhay kaya pagsisihan nila ang ginawa nila sa pamilya ko at ang pinakakamahal kong anak. Naglakad ako palayo haggang sa narinig ko ang putok ng baril sa kwarto 'tong pinasukan ko. "Four left," ngising demonyo kong hinintay ang apat kong bodyguard. Ilang segundo din ay narinig ko ang pagsunod nila sa likuran ko kaya na

