ALEXANDRA KATE POV Nandito kami ngayon sa dagat. Gusto kolang makabonding ang pamilya ko ngayon, dahil babalik naako sa susunod na linggo. "Ate, ligo tayo" bibong sabi Tin-tin. Abala ako ngayon sa pagpapaypay sa hotdog na niluluto ko. "Mamaya na Tin-tin, kayo mona ni Kuya Lester" sagot ko. "Sige Ate" patakbong sabi ni Tin-tin papunta sa dagat. "Wag kang pupunta sa ilalim" sigaw ko. "Sige, Ate" napangiti naman ako sa dalawa kong kapatid bago napailing-iling. "Anak, ako na jan. Makakasama yan sa apo ko" malumanay sa boses ni mama na lumapit saakin. "Wag na, Ma. Kaya ko naman to e" ngunit imbis na hayaan ako ni mama ay nagpupumilit parin ito, kaya wala akong nagawa kundi ipaubaya na lamang sa kanya. "Si papa?" Tanong ko. "Ayon binabantayan ang kapatid mo" napatingin naman ako sa dir

