Chapter XXXXXXXXIX Jessica Marie Padilla's POV "Seryoso ka bang aalis ka?" Kaninang umaga ko pa sinabi kay Selena na magre-resign na ako pero hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Ipinakita ko na sa kaniya ang resignation letter ko kanina bago ko ibigay sa boss namin, pero para bang buong araw niya iyon pinoproseso sa utak niya. Kagagaling ko lang sa opisina ng HR namin, tinanong nila ako tungkol sa pagre-resign ko, bandang huli ay inaprubahan niya rin iyon. Ang sabi niya ay iligpit ko lang ang mga gamit ko at puwede na akong hindi pumasok bukas. Ang huling sahod ko ay ipapadaan na lang sa card ko. Binalingan ko siya habang patuloy sa pag-aayos ng mga gamit ko. Buti na lang at may box ako kaya napaglagyan ko kaagad ng mga gamit kong kailangan iligpit. "Sel, nagliligpit na ng

