Chapter XXXXXXXXX Kendall Jane Lopez's POV "I don't think we should continue this plan," iling ni Selena. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at mariing umiling, dahilan nang hindi ko malsman na dapat naming gawin. Nandito kami ulit ngayon sa studio house. Si Tyler lang ulit ang kulang sa The Rulers, meeting daw ulit sa network staff kaya wala si Tyler. Okay na rin dahil at least ay nakakapag-usap kami rito nang wala siya. Kagabi pa sa akin sinabi ni Luke ang tungkol sa pag-alis ni Jessica papuntang Australia. Noong isang linggo ko pa alam na planong mag-invest ni Marc sa kanilang talyer upang magkaroon ng partnership ang kanilang negosyo, but damn! I didn't know that it will be Jessica. Akala ko ay hindi seseryosohin ng magkapatid na iyon ang plano, pero kanina ay tinawagan ako ni S

