Chapter XXXXXXXXVI Amber Hill's POV "It's good to see you and Selena okay." Nagulat ako sa biglang sulpot ni Jameson sa likuran ko. Matapos ng phone call niya kay Marc ay nagpaalam na muna ako para pumunta sa kanilang kitchen dining para kumuha ng tubig. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinapakialaman namin nang ganito ang love life ni Jessica. Ang masama ay hindi ko alam kung nasa tamang side ba ako. Pinapakalma ko ang sarili ko kaya ko sila iniwan, pero sumunod naman sa akin itong si James. "Nagugulat din ako sa actions ni Selena," sabi ko na lang. That's true. Akala ko ay muli niyang maaalala ang kasalanan ko sa kaniya, pero sa halip ay ipinagtanggol niya pa ang situwasyon, o ako, kanina. Kung hindi lang talaga ako sanay sa pagiging walang preno ng bibig ni Kendall, malamang sinab

