Chapter XXXXXXXXV Jessica Marie Padilla's POV Nangunot na ang noo ko habang nagtitimpla ako ng kape. Kanina pa ako naiiilang sa mga titig sa akin ni Selena, kapag naman tatanungin ko siya ay panay lang ang iling niya sa akin, kaya hindi ko na lang pinapansin. Pero natapos na kami at lahat-lahat sa breaktime for lunch, ilang oras na lang din ay tapos na ang office hour, pero titig na titig pa rin siya sa akin. Nakapamaywang na hinarap ko si Selena pagkabitiw ko ng kapeng tinimpla ko. Kumurap siya nang matauhan siyang nakatingin ako sa kaniya. "Please, Selena, sabihin mo na iyang naiisip mo nang matapos na tayo rito." Ipinahinga ko ang isang palad ko sa mesa habang ang isang kamay ay nasa may balakang ko pa rin. Bumuga siya ng hangin. "Fine, ayokong i-pressure ka kaya hindi kita tinatan

