Chapter XXXVIII Jessica Marie Padilla's POV Alas otso na ako nakarating sa bar. Kagaya ng inaasahan ay nagbukas nga si Kuya Luke kahit na hindi siya umuwi sa bahay namin. Siguro ay may kaibigan siyang tinuluyan? May mga kaibigan naman kasi si Kuya Luke, hindi ko nga lang sila close, isa pa ay hindi ko rin alam kung ipinapaalam sa kanila ni Kuya ang mga issue sa bahay, kaya hangga't maari ay ayokong sa akin nila marinig ang problema. Maingay na sa loob at maraming tao. Nagkakasiyahan at nagsasayawan. I missed this place. Hindi man ako madalas nakikisayaw sa mga tao rito ay isa pa rin ako sa napapasaya ng bar. I don't care if my mom doesn't think that it wasn't a good place for the girls like me. Mahal ko na ang Jesstle bar at ayaw ko itong iwan. "Jessica, you're here!" Niyakap ako ni Jo

