Chapter XXXXXVII Jessica Marie Padilla's POV Ngiting-ngiti si Amber habang nakapangalumbaba sa countertop ng dining namin. Nandito sila ngayon ni Kendall sa bahay, Wednesday kasi kaya wala akong trabaho. Si Kuya naman ay may lakad ngayong araw kaya naisip nilang samahan ako. Sabi rin kasi Tyler ay busy siya ngayong araw dahil sa paggawa nila ng kanta. Mabuti na rin naman na naisipan niyang maglaan muna ng oras para naman sa banda niya. Palagi niya na lang akong sinasamahan sa bar, hindi na siya nakakapagtrabaho. Gustuhin ko man na tabuyin muna siya ay hindi ko naman magawa. After all ay naiintindihan ko naman siya kung bakit gusto niya akong samahan. He's my boyfriend now, hindi ko siya puwedeng pigilan kapag ginusto niya akong samahan o protektahan. Kaya heto, tinanggap ko ang trip ng

