Chapter XXXXXVIII Amber Hill's POV Nauna na akong humiwalay kina Jessica. Hindi ko alam kung bakit pero nag-aaya kasi si Will, nakikipagkita siya sa akin mamayang gabi. Ang sabi ni Jessica ay abala raw ngayon si Tyler dahil sa paggawa ng kanta, kaya hindi ko alam kung bakit biglang nag-aaya si Will na makipagkita, he should've be with his bandmates. Hindi ako usually na nakikipagkita sa ibang tao o sa mga kaibigan ko nang hindi nag-aayos, kaya umuwi na muna ako sa condo para makapag-ayos. Saktong tapos ko ay alas seis na, alas siete kami magkikita ni Will sa isang private restaurant. I'm ready to go, ngunit nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Jameson na nakatalikod sa pinto ng condo ko at nagsasalitang mag-isa with a hand gesture. "Actually, nandito lang ako kasi na

