Chapter XXXXXIX Amber Hill's POV "So it was just a puppy's name?" hindi makapaniwala at natatawang sabi ni Jameson. Natapos na akong magluto at ngayon ay pinagsaluhan namin ito. I'm so glad that he liked it, ang sabi pa niya ay Pininyahang manok na raw ang bago niyang paboritong Filipino food. I'm not a pro pagdating sa pagluluto, pero aminado akong masarap ito dahil ito ang special recipe ko. Dahil paborito namin ito ni Mama ay ito rin ang una kong inaral na lutuin, idagdag pa na hindi ko ito tinipid sa ingredients. "Oo, kasi wala akong maisip noon na pangalan, then sila Jessica sabi Amber daw 'yong kulay ng mata ng aso ko, kaya pinangalanan ko siyang Aya, kapag pinagdugtong namin ang pangalan namin, sounds like Amber Eyes." Nag-hand gesture pa ako na parang nagniningning ang pangalan

