Chapter XXXXXX Jessica Marie Padilla's POV Panay ang tingin ko kay Amber habang tumitingin ako ng mga damit. Nasa isa kaming shopt sa mall para mamili, si Kendall lang sana talaga ang kasama ko ngayon kaya nag-overnight siya sa bahay dahil may lakad naman kami kinabukasan, kaso nang malaman ni Amber na balak namin mag-mall ni Kendall ay sumama siya. "Ikaw ba may balak kang mag-iwan ng huling habilin? Kanina ka pa panay ang buntong-hininga," ani Kendall mukhang kagaya ko ay naba-bother na rin. Siniko ko si Kendall. Alam ko naman kasi kung bakit siya namomroblems ngayon. Bukod sa hindi niya alam kung paano sasabihin kay Selena ang ugnayan o namamagitan sa kanila ngayon ni Jameson, dumagdag pa si Will na mukhang nasaktan niya nang makita sila nitong magkasama. Kung talagang may feelings s

