Chapter XXXXXXI Kendall Jane Lopez's POV Naglilingon-lingon ako pagkapasok ko ng Jesstle ng bar. May shoot ngayon si Amber ng commercial niya, kaya naman hindi na siya nakasama sa akin nang naisipan kong dumiretso rito matapos namin sa mall. Sayang 'yong mga gowns na nakita ko kanina, bagay sana kay Jessica, kaso iniwan niya kami para kausapin si Tyler. Pero kung sabagay, we saw this coming naman, alam naman namin na hindi magugustuhan ni Jessica kapag nalaman niya ang mga ginagawa ni Tyler para sa kaniya. Ang masama lang ay sa iba pa niya nalaman, hindi sa aming mga kaibigan niya at lalong hindi kay Tyler. Eto naman kasing dyosa sa kagandahan na si Christine bigla-biglang sumusulpot at nagsasabi ng sekreto ni Tyler. Hindi ko alam kung ano nang nangyari kina Jessica ngayon, nag-aalala a

