Chapter XXXXXXII Kendall Jane Lopez's POV Tahimik lang kami ni Luke na nakaupo sa sofa. Pagtapos kong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko ay tanging katahimikan na lang ang namayani sa amin. Alam kong ilang minuto pa lang kaming tahimik, pero para bang ilang oras na ang lumipas, pakiramdam ko ay napakabagal ng oras. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makahanap ng tamang salita na dapat kong sabihin. Sa sobrang tahimik namin ay pati ang pagbuntong-hininga niya ay halos ikagulat ko pa. Tiningnan ko siya na tanging mata lang ang gumagalaw, nanatili akong nakatungo habang magkakuyom ang dalawang palad ko sa hita ko. "Kailan pa?" Bumuga ako ng hangin. Hindi ko akalain na iyon ang unang lalabas sa bibig niya. So, hindi na talaga naramdaman? Sabagay, alam niya ang tungkol kay Billy, pero n

