Chapter VI Jessica Marie Padilla's POV Alas sinco ng hapon nang gisingin ako nina Selena, Kendall at Amber. Hindi ko alam na darating sila dahil wala naman kaming usapan. Papasok pa ako sa trabaho mamayang before 8PM kaya naman wala sa plano ko ang girls bonding, madalas ay sa bar na lang kami nagkikita. Day off ko sana bukas at si Kuya ang tatao sa bar, ang kaso plano ko pa rin pumasok bukas dahil nagamit ko na ang day off ko nang magkasakit ako. Good thing sa mga kaibigan ko ay may dala na silang mga pagkain, kaya naman kahit na biglaan lang ang dalaw nila ay hindi ko na kailangan intindihin ang kakainin nila. Ayaw rin kasi nilang asikasuhin pa sila ni Daddy. We're friends since high school, alam nila ang kalagayan ng ama ko, kaya naman hanggat maari ay ayaw nilang maistorbo si Dadd

