Chapter V Tyler Graham's POV "Hindi ba kasi't sinabi ko na sa inyo na huwag na muna kayong gumawa ng kahit anong eksena sa labas, lalo na ikaw Tyler at hindi makakatulong ang bad issue sa promotion ng bago mong pelikula." Tahimik lang akong nakikinig sa manager ng The Rulers na si Catherine Angeles. Nang tawagan niya kami kanina at sinabi niya sa akin na nasa blind item daw ako ay alam ko nang mangyayari ito. Si Catherine ang manager ng banda kaya naman normal lang na ganito siya mag-react, at kung gusto niya kaming protektahan. Iniisip ng iba kung paano niya naha-handle ang banda kung mas matanda kami sa kaniya ng tatlong taon. She's just 27 years old but she had the bossy and mothery attitude that makes her easy to get into us. Actually hindi naman talaga dapat siya ang manager namin

