Chapter XVI Jessica Marie Padilla's POV Nawala ang paningin ko kina Tyler nang may lumapit sa akin na isang security. Siya rin 'yong kumuha kanina kay Selena. "Miss Jessica, pinasusundo ka po ni Miss Cath," aniya sabay turo sa isang banda. Nang tumingin ako roon ay nakita ko si Cath na nakatingin sa akin habang sumusulyap kina Tyler. Para bang hati ang atensyon niya. Nang muli kong balikan ng tingin sina Tyler ay pareho na sila ni Monica na nasa red carpet. Panay ang ngiti sa bawat camera. Nang mapatingin sa akin si Tyler ay umiwas na ako ng tingin at sumama sa security. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa nasaksihan ko. Unfortunately, I also don't know if I'm allowed to feel something. "Jessica!" sinalubong ako ng yakap at beso ni Cath. Nakasuot lang si

