Chapter XVII Jessica Marie Padilla's POV Nakapikit pa ako nang kapain ko ang gilid ko kung nasaan alam kong nandoon dapat si Tyler, ngunit wala akong nakapa. Kaya naman kahit inantok pa ako ay napamulat na ako. Iniwan niya ako? Umupo na ako. Hinawakan ko ang puting kumot para takpan ang hubad kong katawan. Inilibot ko ang paningin ko. Wooden brown at creamy colors ang combination ng kaniyang kuwarto. Ang ilang gamit ay wooden light brown, kagaya ng closet, desk and chair, the headboard of the bed and the floor. Habang creamy color naman ang dingding at iba pang kagamitan sa kuwarto niya. Puti naman ang kurtina at ang kabuuan ng kama. Ngayon ko lang nailibot ang paningin ko dahil sa mas naging okupado ang utak ko kagabi kay Tyler, dim din and ilaw kagabi dahil lampshade lang ang meron

