Chapter XVIII Jessica Marie Padilla's POV Nakasimangot na tiningnan ko si Kuya Luke. Kanina pa niya ako kinakalabit para magising, pero ayoko siyang pansinin. I'm too sleepy, at alam kong aantukin ako mamaya kapag hindi ako natulog ngayong hapon. Tiningnan ko ang wall clock ko bago muling balingan si Kuya Luke. Pasado alas kuwatro pa lang, 2 hours na akong tulog. Kulang pa iyon para hindi ako antukin mamaya. Kung hindi lang ako nakukulitan na kay Kuya Luke ay hindi ko pa siya papansinin. "Kuya, may trabaho pa ako mamaya. Bakit nanggigising ka na?" kunwaring masungit kong sabi. Kilala naman ako ni Kuya, alam kong alam niya na hindi ko talaga siya susungitan dahil lang sa ginising niya ako. Umirap siya. "Anong trabaho? Nandito si Mom, tingin mo papayagan ka niyang mag-handle ng bar ngay

