Chapter XIX Jessica Marie Padilla's POV Nasa hallway pa lang ako ay natanaw ko na si Joel. Para bang inip na inip siya kaya paikot-ikot siya sa tapat ng pinto ng condo ni Sam. Napailing sko. Medyo natagalan naman talaga ako dahil naligo pa ako at kinailangan ko pang kausapin na muna si Mommy at Daddy. Si Kuya Luke ay takang-taka pa na maaga akong aalis, kaya bandang huli ay sinabi ko na lang sa kanila na may dadaanan ako, pero hindi ko na sinabing kay Sam. I don't wanna tell them what's really happening. "Joel!" Napalingon siya sa akin nang tinawag ko siya. Kaagad na sinalubong niya ako pero nilagpasan ko siya para ako na mismo sng magbukas ng pinto. "Thank you for coming," aniya sa may likuran ko. Nang nag-click na ang lock ay nilingon ko muna siya bago buksan. "I'm worried too, Joel

